Kabanata 40

1.6K 83 94
                                    

Kabanata 40

Mine

"My deepest condolences to you and the whole family, Mayor."

Rinig ko ang babae sa unahan. Diretso ang lakad namin ni Guideon at hawak hawak ko naman ang maliit na paso ng mga puting bulaklak na binili ni Guideon. Ako mismo ang nag-ayos ng mga ito.

Katulad ng lahat, nakasuot ako ng simpleng itim na bestida. Hanggang tuhod ang haba nito at hapit sa aking katawan. Hinayaan ko ring nakalugay ang tuwid at itim na itim na buhok.

The burial officially starts today. But it is only exclusive for family, friends, and relatives.  If I heard it right, it will only be a three day ritual, after that, the remains of Rucus Moreno will be laid to rest in Manila North Cemetery.

Bukas, magkakaroon naman ng public viewing. Sa huling araw, sabi nila ay para daw muli sa immediate family na lamang.

Rivan formally informed me about the burial. He told me that if I wanted to come, I'm free to go at the first day. Nakita ni Guideon iyon kaya naman hinikayat na niya akong pumunta.

Ginala ko ang paningin sa buong memorial garden. Kakaunti pa lamang ang mga tao ngunit mahigpit ang seguridad. May iilan din akong nakitang mga ka-partido at kaibigan nito sa politika at iilang mga tanyag at maimpluwensiyang pamilya rito sa Maynila. Marami na rin agad nagpadala ng mga bulaklak. Simple man ang ayos, at ang ginawang burol, kitang-kita pa rin naman ang pagiging elegante at mayaman ng mga Moreno.

"Mayor," Tawag ni Guideon nang makalapit kami sa unahan.

Bumagsak ang tingin ko sa bulaklak na dala.

"I'm sorry for your loss," Marahang sabi ni Guideon, nakahawak sa aking baywang.

With a heavy heart, I lift my head. I immediately saw how forlorn Rivan is.

Sinipat niya ako at sandaling pinasadahan ng tingin. Sa hindi malamang dahilan ay natakot at kinabahan ako.

Agad kong inabot sa kanya ang bulaklak at sinulyapan ang kabaong ng ama na nasa likuran lamang niya. Wala rin si Ma'am Adana sa paligid, hindi ko alam kung nasaan siya.

"Condolence," Saad ko sa mababang boses.

"I didn't know you'll come," Ani Rivan sa mababang boses.

Alam kong direktang tanong iyon para sa akin, hindi para sa amin ni Guideon. Sa akin lang.

"Pumunta kami dahil baka hindi rin kami makapunta sa libing. Kailangan naming tignan ang reception para sa kasal." Si Guideon.

"I see," Tumango si Rivan at nilahad sa amin ang mga upuan.

"Again, Mayor... Sorry for your loss. Let me know how can I help-"

"Kraisini," Tawag ni Mama sa likuran. Nakita ko ang bahagyang gulat sa mukha ni Rivan. Marahil ay hindi niya talaga inaasahan na pupunta kami.

Tumango si Mama at tumagos ang tingin sa likuran ko kung nasaan si Rivan. Maingat siyang humiwalay kay Koseon dahil hawak-hawak siya nito.

I told her she should stay at home. It's okay if she doesn't want to go, or if she'll miss this. But she told me that she wants to. Kaya heto, pinayagan ko na rin.

"Kinalulungkot ko ang balita, Mayor..." Tuluyan siyang lumapit kay Rivan.

Tumabi kami ni Guideon at nakinig doon. Mukhang nakabawi naman na sa pagkagulat si Rivan kaya marahan at tipid na ngumiti kay Mama. Pinagmasdan ko sila.

"Salamat po sa pagpunta,"

"Si Adana?"

"She's at home po. She's physically weak as well..."

Across the Boulevard (Manila Girls #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon