Kabanata 7

1.7K 107 144
                                    

Kabanata 7

Duet

Tiningala ko ang kalangitan, mistulang nababalot ito ng abo dahil sa nagbabadyang pagpatak at pagbuhos ng ulan. Malamig ang haplos ng hangin  laban sa aking balat. Ang paligid ay mas lalong dumidilim sa bawat paglipas ng segundo. Ang mga dahon, marahan nang nakisayaw at nakisabay sa hangin.

Unti-unti, pinanood kong pumatak ang maliliit na butil ng ulan hanggang sa unti-unti itong lumakas na tila ba kaytagal na kinimkim ito.

Napaatras ako at niyakap ang sarili. Mag aalas sais na rin. Tiyak, hinahanap na ako nina Mama at kahit ni Koseon. Nagpaiwan kasi ako rito sa school dahil tumulong ako sa paglilinis ng vandal tungkol sa pagkacrush ko kay Chasen.

Malakas ang ulan, ito ang unang pag-ulan matapos ang ilang buwan kaya ganito na lamang ito katindi.

"Umuulan..." Wika ni Chasen sa gilid ko. Himala pa na narinig ko siya. Tinignan ko siya at napatingala.

He's so tall and he smells so good too.

"Oo nga..." Sagot ko.

Bumagsak ang tingin ko sa sapatos ko. Ayaw kong mabasa ito pero wala akong dalang payong. Siguro,maghihintay na lang ako rito hanggang sa tumila ang ulan. Ipapaliwanag ko na lang kay Mama na wala akong payong.

Bumaling muli ako kay Chasen sa gilid ko. Inaayos niya ang bag at uniporme. May kinukuha ata siya sa bag.

"Bakit andito ka pa?"

"May tinapos ako sa comlab. Assignments. Ikaw? Gabi na ah."

"Uh... N-naglinis lang." Ngiti ko. Medyo kabado ako sa hindi malamang dahilan. Nahihiya din ako!

"May payong ka?"

"Wala."

"Sumabay ka na sa akin." Ngiti niya.

Napailing kaagad ako at napatingin sa iilang mga Grade 12 na nakatambay doon sa gazebo. Tapos sa kiosk pa ay naroon sina Kamalei. Ayaw kong pag-usapan kami! At tiyak, pagpipiyestahan kami ng tukso dahil may mga chismoso at chismosa sa paligid.

Ayaw ko lang talaga na pinag-uusapan ako at nakakahiya rin kay Chasen! Tapos si Joem pa, hindi niya ako pinapansin simula noong kumalat yung issue na gusto ko si Chasen.

"Ayaw mo? Nahihiya ka?"

"Both..."

"Hmm, bakit naman? Afraid of what they would say?"

"Hindi naman." Sagot ko. Natatakot lang din ako na baka kiligin ako ng sobra sa'yo. Mamaya, yung happy crush na sinasabi ko, mapunta sa iba.

He smiled again, his dimples are showing. It's so lovely.

"Hmm," He grinned. "Crush mo pala ako?"

"Happy crush lang." Sagot ko. Mabilis naman siyang tumango-tango at nag thumbs up pa. Ang cute niya!

"Ikaw ba? Sinong crush mo?"

Nag-isip siya sandali bago umiling at nahihiyang ngumiti. Naku, lalo tuloy siyang naging cute sa paningin ko! "Secret."

"Damot naman! Secret secret pa. How about Manila? Crush mo?"

"Crush? Mahal ko 'yon bilang kaibigan. Nothing more, nothing less."

"Weh?"

"Yeah. At hindi rin naman kami puwede so..." Pinakita na niya sa akin ang kulay itim niyang payong at binuksan iyon. Medyo malaki naman iyon kaya tingin ko, kasya naman kaming dalawa.

Inayos ko ang bag ko at yumuko para hubarin ang sapatos at medyas ko. Nagulat pa si Chasen sa ginawa ko at natawa. Tinabi ko ito sa loob ng bag. Inakbayan ako ni Chasen at marahang hinigit palapit sa kanya para sa silong.

Across the Boulevard (Manila Girls #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon