Kabanata 16

1.4K 93 160
                                    

Kabanata 16

Winning

"See you," Hinalikan ako ni Chasen sa pisngi.

"See you rin sa lunch."

"May baon ka ba?"

"Yung kiss mo."

"Mabubusog ka ba diyan?" Kumunot ang noo niya at seryoso akong tinignan. Hinawakan ko ang kamay niya at matamis na ngumiti.

"Don't worry about me. Bibigyan ako ni Yna at Hope."

Napanguso naman siya habang tinatanaw ako at nailing.

"Let's eat my lunch. Maraming pinadala si Mama."

"Hmm, sige." Ngiti ko at tumingkayad para maabot ang pisngi niya.

Niyakap naman niya ang baywang ko at hinalikan ako sa noo. May ilan akong narinig na tumili at sabay kaming napatingin ni Chasen kina Yna.

Kumaway pa sila at hinigit na ako para tuluyang makapasok sa room.

"Aga-aga may pa kiss si Engineer!" Ngisi ni Texon.

"RS goals talaga kayo! And yung height difference? Ang cute lang." Yna chuckled.

Ngumiti ako at tumango-tango. Napatingin ako sa dulong upuan kung saan nakaupo si Rivan. Medyo tulala pa siya sa gilid. Ngayon ang unang beses na kita kong medyo magulo ang buhok niya. Namumungay ang mga mata niya at tila ba antok na antok. Namumula rin ang tainga niya.

Ngumuso ako. What's with him?

I saw Alisha and Sissa went near him. Hayip, close na pala ang dalawa kong basher. Dapat na ba akong matakot? Mukhang may sinabi si Alisha kay Rivan at simpleng tango lang ang sagot ni Rivan.

Hmm, that's new. Madalas, magsusuplado pa 'yan eh o di kaya'y mangbabara.

"Birds of the same feather, flock together." Irap ni Texon.

I don't know why but ever since last year, Alisha's been so bitter about me. It seems like it wasn't just a normal hate, it feels more of a hidden wrath. It was only fueled by what happened on the Valentine's ball. Eh hindi naman ako ang may kasalanan na hindi sumipot si Rivan. He decided for himself. At sabi nga niya, hindi naman niya sinabihan si Alisha na id-date niya ito.

Assumera lang talaga si Alisha.

"He doesn't look okay." Ani Hope.

"Lah, baka ginayuma ni Alisha." Ngisi ko.

"Rai!"

"What? She's desperate. Sa lahat ng taong nagkakagusto kay Rivan dito, siya ang malala. She's obsessed with him."

"Sabagay... Pero let's give her the benefit of the doubt. We're her friends."

Friends? I don't think so.

"Manila, hi!" Bati ng ilang mga kaklase kong babae.

Napatingin ako sa pintuan ng classroom. Sumilip si Manila doon at nang makita akong lumingon ay kumaway siya. May dala-dala siyang tumblr at plastic bag. May iilang bumati sa kanyang mga kaklase ko kaya napahinto pa siya bago makalapit sa akin.

Ngumiti siya sa amin, nangangamusta. Dinaldal pa siya sandali ni Texon tungkol sa bago niyang IG Account daw na marami agad followers.

Of course, she's THE Manila Diamonique Tantoco.

Everyone wants to have a glimpse of her life.

Tinanong din niya ako kung saan kami tumambay ni Chasen kahapon. Tinulungan lang naman ako ni Chasen kahapon sa mga paninda namin ni Mama sa Plaza Miranda. Medyo marami kasing nagpapahula kahapon kaya hindi makafocus si Mama sa pagtitinda.

Across the Boulevard (Manila Girls #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon