Kabanata 2

2.8K 123 211
                                    

Kabanata 2

Type

"Ang yabang! Kailangan niya ba talagang sabihin na anak siya ng principal?" Angil ko sa harapan nina Hope.

Nakatambay kami ngayon sa waiting shed, pare-parehas na hinihintay ang paglabas ng mga Grade 12. Ako, naghihintay kay Koseon. Si Hope at Alisha ay hinihintay ang mga pinsan nila habang broken-hearted pa rin si Yna at dinadamayan lang ni Texon.

"Ako, anak ako ni Osmenio at Kristy. Niyabang ko ba? Pinagmayabang ko ba?"

Tawa nang tawa si Hope at Texon.

Siguro, umuusok na yung ilong ko ngayon. Yung sungay ko siguro, mas lalong humaba. Hindi ko lang maatim na narito iyong anak ni Ma'am Moreno at kung umasta ay parang pagmamay-ari niya ito at lahat ng mga tao rito.

Bakit kaya nag transfer 'yon dito?

"Uy, ako si Rai. Anak ni Kristy." Saad ko.

"Oh my gosh!" Bulalas ni Alisha, nakatingin sa likuran ko.

"Ang gwapo." Hope mouthed. Kumunot ang noo ko at lumingon. Hinigit ako ni Texon at Yna.

"Yan yung sinasabi ko!" Mariin kong sabi pero wala nang pakialam sina Alisha sa akin kasi parang nalaglag na yung panty nila.

Kainis! Araw-araw ba akong magpupulot ng mga panty nilang nalaglag?

Nakita kong kakadaan lang noong anak ng principal sa pwesto namin kaya posibleng narinig niya ang mga sinasabi ko. Pero wala akong paki. Marinig man niya o hindi. Kung marinig niya, edi congrats hindi siya bingi!

Kita ko kaagad na lumapit siya sa sasakyan nilang nakaparada na sa harapan ng gate ng eskwelahan. Pinagtitinginan siya ng lahat at wala siyang pakialam. Ni wala siyang kinausap o pinansin.

I wonder what grade he is in? At pumasok ba siya ngayon sa klase? O inorient ba siya ngayong araw kaya hindi pa siya pumasok sa klase?

Pake ko ba? Gwapo lang siya pero nakakairita at higit sa lahat, Moreno siya!

"Rai, iwasan mo na lang." Sabi ni Mama, kwinento ko kasi sa kanya na nakaharap ko yung anak ng mga Moreno.

Nagtataka pa nga siya noong una kung bakit daw doon pinag-aral iyon gayong nasa UST daw iyon dati.

Hindi naman sa minamaliit ko ang academy namin. It's an expensive private school din and it has the best teachers and facilities but compared to UST? Lagapak.

Nagtataka lang talaga ako eh. Alam ko na sobrang mayaman sila. The Moreno patriarch, became this city's founding member. And his sons were the former mayors of this city for every three consecutive terms! Pinamunuan nila ang siyudad na ito. At iyong asawa ni Ma'am Adana Moreno ay kasalukuyang alkalde ngayon.

"Paano pag naging magkaklase kami?" Tanong ko kay Mama. Tinutulungan siya sa pagliligpit ng mga gamit niya.

"Huwag mo kausapin."

"Paano kapag kailangan?"

"Dedmahin mo."

"Paano-"

"Alam mo, nak. Sabihin mo na lang na hindi mo kayang iwasan kasi gwapo-"

"Ma, hindi ko siya crush!" Grabe naman 'tong nanay ko! Porket gwapo!

I mean, oo... Mahirap ngang umiwas sa gwapo pero kung iyong anak nga ni Mayor at Ma'am Moreno ang dapat iwasan, kakayanin ko naman.

I know their family too well.

Across the Boulevard (Manila Girls #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon