Kabanata 5

1.9K 116 103
                                    

Kabanata 5

Congratulations

"Ito na ang gitara, Madam."

Nilapag ni Koseon sa gilid ko ang gitara na gagamitin para sa practice at pati na rin mismo sa performance ko sa event para sa Buwan ng Wika. Marunong akong tumugtog dahil naturuan ako ni Koseon. Magaling siya rito at nakahiligan na rin namin parehas.

"Busy?" He smirked. Lumapit pa ang loko sa mukha ko dahil abala ako sa pag che-check ng lahat ng kailangan.

"Kita mo naman diba?"

"Okay, sungit naman." Luminga siya sa paligid at sumipol-sipol.

Narito kami ngayon sa rooftop gymnasium. Nag PE kasi kami kanina dahil iyon lang ang subject namin buong araw. Inabisuhan ko na rin ang mga kaklase ko na mananatili kami rito at gawin ang mga dapat naming gawin para sa gayon, hindi kami magagahol.

Talagang inunahan ko na ang pagpapareserve nitong rooftop gymnasium para makapagpractice din sina Texon ng sayaw at makapaghanda kami sa lahat ng dapat ihanda para sa event.

Rivan is downstairs. Kasalukuyan siyang lumalaban sa Tagisan ng Talino. We are not allowed to watch because it's a closed door competition. All we have to do is wait. Although kapag finals na, puwedeng manood pero pili lang din.

"Uwian niyo na?" Tanong ko kay Koseon, napatingin ako sa relo ko.

"Oo. Nariyan din si Jiro." Sumulyap si Koseon kay Yna na tahimik na inaayos ang mga materyales para sa costume nina Alisha at Rivan.

"So, aalis ka na?"

"Hihintayin kita. Kayang maghintay non ni Jiro." He chuckled.

"Matatagalan pa kami dito."

"Nasa TNC naman siya. Alam mo naman gamer 'yon."

Tumango ako at bumaling na sa listahan. Umikot muna ako sa lahat para tignan kung lahat ba sila ay may ginagawa. Nang makita kong ayos na ay umupo na muli ako at sinubukan nang sumulat ng kanta.

May iilan naman na akong draft pero wala pa akong nabubuo at nakukumpleto. Ang hirap magpiga ng creative juices sa utak kaya saludo talaga ako sa mga artists lalo na kay Mareng Taylor na kumain pa ata talaga ng diksyunaryo bago sinulat ang Folklore at Evermore!

"Rivan!" Narinig ko kaagad si Alisha.

Napabaling ako sa pintuan ng gym at namataan si Rivan na papasok. Medyo nagulat pa siya na agad lumapit sa kanya yung mga babaeng kaklase namin.

"Kumusta ang laban?" Si Hope.

"Panalo tayo." Tango ni Rivan.

Napatili sina Alisha at halos lahat ng mga naroon. Huminto pa nga sina Texon at agad na sumugod doon kay Rivan. Maingat lang silang lahat na huwag lumapit masyado kay suplado. Kahit si Yna ay lumapit doon. Kami nga lang ata ni Koseon ang nanatili rito sa pwesto namin, nasa kabilang court ng malaking gym at nakasandal sa paanan ng basketball ring.

"Takte, heartthrob talaga 'yan no? Kahit mga kaklase ko, nababaliw diyan eh." Napailing si Koseon.

"Baka may gayuma yung pabango niya..."

"Saan bumili?"

"Kay Ninang Betty." Tawa ko. Humalakhak din naman si Koseon at pabirong dinagil ang balikat ko.

Saka lamang napatingin sa amin si Rivan. Tumango siya sa akin at tumingin din kay Koseon.

"Tinignan niya ko, Rai."

"Oh, tapos?"

"Wala." Natatawang iling ni Koseon.

Tumingin muli ako kay Rivan. Tumingin muli siya sa amin at kahit abala sa pakikiusisa ang mga kaklase namin, nagawa niya pa ring sumulyap-sulyap dito.

Across the Boulevard (Manila Girls #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon