Kabanata 42

1.5K 83 105
                                    

Kabanata 42

Rover

"Sinasabi ko na nga ba!" Umalingawngaw ang boses ni Alverry.

I sighed. Sa aking magkabilang gilid ay hinaplos ni Mikasa at Amora ang likuran at balikat ko.

"Sasabihin ko kay Koseon at Jiro ito!"

"Al!"

"No, Rai! Hindi tama 'yon! That's only the beginning! Ano na lang ang gagawin niya sa susunod, ha?!"

I bit my lower lip. I told Mikasa and Amora that it's not a good idea to tell this to Alverry. Bukod sa abala at pagod ang tao dahil sa trabaho at pag-aaral, alam ko ring hindi niya magugustuhan ang nangyari sa pagitan namin ni Guideon. Isa pa, alam kong pipilitin niya akong agad iwanan si Guideon. Ganoon kasi siya. She doesn't tolerate any man who will hurt her in any way. Pero ako, gusto ko pang magbigay ng pag-asa. Maaari naming pag-usapan ito ni Guideon.

"Nadala lang siya ng damdamin-" Mikasa tried to justified, only to be silenced by Alverry's banters.

"No! Alam mo ba kung ilang beses ko nang nagalit si Mikael pero ni minsan, hindi ako tinaasan ng boses non at lalong hindi ako pinagbuhatan ng kamay."

"Guideon's a great guy, Al." Si Amora at tumikhim. Pinatabi niya pa ako para mas makaharap sa screen si Alverry.

"Hindi naman lahat ng lalaki ay pare-pareho. Hindi porket you already have the best guy, it doesn't mean na ganoon din para sa amin... O para kay Rai."

"I know! But the thing is... Rai can do much better than Guideon-"

"Mahal mo si Guideon, diba?" Bumaling si Amora sa akin. Napangiwi silang dalawa ni Mikasa nang hindi agad ako makasagot.

Mahal ko nga ba?

Oo... Siguro... Masaya ako sa kanya... He was there for me.

Pero kung ikukumpara ko nga, ni hindi ito umabot sa anong naramdaman ko noon kay Chasen.

"She's settling for him!" Si Alverry.

"Kraisini, makipaghiwalay ka na hangga't maaga pa. Tamang-tama rin ang timing dahil nariyan na ulit si Rivan sa buhay mo."

"Oh, please... We probably won't see each other again after the teaching camp."

Tumikhim si Alverry. Amora stood up. Nagpaalam na maghahanda na ng dinner namin dahil bukas ay sasamahan nila ako sa isang teacher's conference sa Baguio. Ako ang pinadala ng eskwelahan at dapat si Guideon ang kasama ko kaya lang nang malaman ng dalawa ang nangyari at ang galit ni Guideon, nagpasiya silang kausapin si Alverry at samahan na lang ako bukas.

Hinaplos at tinapik ni Mikasa ang balikat ko saka sinundan si Amora. Naiwan akong kaharap si Alverry ngayon na seryoso na at tila ba pagod na pagod.

"I'm sorry sa abala, Alverry-"

"Rai, I am here whenever you need me... At alam kong importante ito."

Tumango ako at ngumiti.

"Pag-isipan mong maigi ang lahat. Pati yung mga pinag-usapan natin noong nakaraan."

"Let me see, okay? It's going to be hard to say goobye and break everything with him. He's Guideon... He was there for me-"

"You can't just settle for someone just because they've been there for you... Para mo lang siyang minahal dahil sa utang na loob." Napailing siya.

I bit my lower lip.

I hate to admit it but Alverry's always right. It's like she's always three steps ahead. May old soul pa. Puwedeng-puwede na rin talagang mag-asawa.

Across the Boulevard (Manila Girls #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon