Kabanata 3

2K 107 122
                                    

Kabanata 3

Privilege

Rivan likes Hope?

As in si Hope na kaklase namin? Si Hope Elizabeth?

"Torpe," Bulong-bulong ko habang pinapanood si Rivan na kakapasok lang sa classroom namin.

He's wearing his black bagpack. Nakahawak siya sa strap nito habang may nakasaksak na naman na earphones sa tainga niya. Saglit niya lang na pinasadahan ng tingin ang buong silid bago nahinto ang tingin niya sa akin.

Nagtaas ako ng kilay at nag-iwas ng tingin. Hindi rin naman siya nagtagal sa pagtingin sa akin kaya bumaling muli ako sa kanya.

He looks cold and aloof as usual. His hair, perfectly styled to perfection. His pinkish lips are in a grim line and it looks like everything displeased him. He clenched his jaw a little as he tried to get his bag off of him.

Looking at him this way and without prior prejudice about who he is or what's really his attitude, you'll really think he's this perfect famous good boy in the whole academy.

"Rai, anong sabi ni Jiro?"

"Huh?" Napabaling ako kay Yna.

"Kung nasabi mo ba kay Jiro na I want him back?"

"Oh... Uh, busy pa siya sa school works pero sabi niya, babalitaan niya ako."

"You convinced him, right?" Pinaglaruan niya ang buhok at namungay ang mga mata.

"Of course."

"Good kasi nagpabili ako kay Mama ng bagong bag para sayo-"

"Yna!"

"Well. Deserve naman. We're friends naman, right? Oh, but don't tell the others. Baka they'll make tampo."

Hilaw akong ngumiti at napabaling sa unahan. Nakita kong kakapasok lang ni Hope sa classroom at sinundan siya ng tingin ni Rivan at dahil sa harapan ko nakaupo si Hope, nagtama muli ang mga mata namin.

Umangat ang gilid ng labi niya at naiiling na binalik ang tingin sa unahan.

Shit! Naalala ko na naman talaga iyong hamon niya. So kapag hindi ko siya nilakad kay Hope ay gusto ko siya? Ang kapal lang din ng Rivan na 'to no?

Mas makapal pa siya sa encyclopedia sa library!

"Good morning class. I want you all to open your statistics book. Go to page 67." Iyon agad ang bungad ng statistics teacher namin.

Grabe, umagang-umaga ay numero at Statistical terms ang agahan namin.

After minutes of quietly reading and absorbing the formulas, I gave up.

Math is not my thing talaga. At ganoon din si Yna na katabi ko kaya ang ending, palihim lang kaming nagkwentuhan.

"Rivan, can you show us the formula how to calculate the mean?"

Napatigil kami ni Yna at napatingin sa harapan. Ito ang unang beses na tinawag si Rivan para humarap sa lahat, well at least hindi counted iyong pinakilala niya ang sarili.

Walang imik na tumayo si Rivan. And he's wearing his glasses now! Mukha talaga siyang straight A student sa mga binabasa kong libro. Iyong mga tsundere type. Malinis, pormado, artikulado.

Nagsimula siyang magsulat at rinig ko na ang bahagyang pagkamangha nina Alisha.

"He's good..." Bulong ni Yna. "But Jiro is better. Panget niya magsulat."

I chuckled. "Oo nga..."

Pinagmasdan ko ang mabilis niyang pagsusulat. Shet, ang panget nga. Pero naiintindihan naman. Pero sa una, iisipin mo kasi na maganda at magaling siyang magsulat.

Across the Boulevard (Manila Girls #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon