Simula

7K 207 410
                                    

Simula


"I need your essays in 5."

Agad kong narinig ang pag-angal ng mga estudyante ko. Ang kaninang tahimik na silid ay napuno ng bulungan at paghihinagpis. Hindi ko maiwasang makita ang sarili ko sa kanila noon. Ang mga batang 'to, akala mo talaga katapusan na ng mundo.

Pinasadahan ko ng tingin ang buong klase at humalukipkip. Napatingin din ako sa relo ko at napakagat sa aking labi. I have a meeting at 6 pm. Kailangan ko pang umuwi sa bahay para mag shower at mag-ayos. Pero tiyak kong mahuhuli ako sa meeting na 'yon.

Sige nga, subukan niyong tumira sa Maynila kung saan bawat sulok at bawat kanto'y mayroong traffic, usok at ingay. Idagdag pa na bulok at luma na ang sasakyan ko. Ilang taon na rin 'yon sa akin at ilang beses na rin akong natitirikan sa gitna ng daan.

Buti na lang talaga maganda ako kaya maraming tumutulong sa akin at tinutulak ang sasakyan ko.

"4..." I warned.

"Ma'am, wait lang!"

"Ma'am, sandali lang po. Conclusion na lang."

"Ma'am!"

Hindi talaga mawawala ang mga linyahang ganyan, lalo na sa klase ko. At dahil mas trip ko silang ipressure at ipaalala sa kanila ang kahalagahan ng oras at bawat segundo, lalo kong binigyang diin ang oras at ang kakaharapin nilang consequences kapag hindi sila nakapagpasa sa takdang oras.

"Huwag na kayong humingi sa akin ng tawad. Hindi ako Diyos."

Natahimik ang ilan pero dahil hindi naman mawawala ang makukulit sa mundong ito, may humirit na naman.

"Dagdag 5 minutes, Ma'am!"

"Sige. Basta minus 10 ka."

"2?" Tawad niya pa.

"7 minus points then." I smirked.

I heard their frustrated groans. I chuckled lightly.

"And how many times have I told you to practice speaking in English when you're inside this class?"

As an English teacher, and a teacher in general, I know the pressure and responsibilities that are vested on our shoulders. It comes with an overwhelming feeling of control, fear and power. I always make sure that I carefully exercise those and let my students know that they can count on me, and at the same time, I'll count on them... To help me. To learn, and to develop trust with one another.

When you're a teacher, believe me... People expect a lot from you. And you do that to yourself too. Palagi'y iniisip ko na hindi lang buhay ko ang hawak ko. Nakasalalay din sa akin ang buhay at pagkatuto ng mga estudyante ko.

"Sorry po, Ma'am Inara..."

I sighed. Considerate naman ako most of the times but I want them to learn, understand and realize that nothing in this world can be taken lightly and easily. If you want something, work hard for it. If you want to achieve your dreams, you have to do something to get it.

Because everything I have right now, I worked hard for it.

"Pass your papers now."

Nagkukumahog silang ipasa ang papel. Inatasan ko ang treasurer na kolektahin ang mga papel nila at saglit na napatingin sa aking relo.

It's quarter to 5. Makakaya ko ba ng isang oras papunta sa Manila Hotel? Hindi. Kailangan ko ng pakpak.

"Okay, late papers won't be accepted." I smiled sweetly and gracefully strutted towards the back of my classroom

Across the Boulevard (Manila Girls #1)Where stories live. Discover now