Chapter 24

8 0 0
                                    

CHAPTER 24

Nagising ako mga bandang hapon, dahil maganda ang pagbaba ng araw. Romantic daw iyon para sa shoot.

Kinatok kami ng staff at sinabihang mag aayos na raw. Nang makarating kami sa main deck ay inasikaso kaagad ako at inayusan.

"Heather, pakikuha naman yung mga damit please. Thank you" utos ni Miss Andy sa isang staff.

"Jusko iha napakaganda mo talaga, simple lang ang make up na ginawa namin sayo pero labas na ang ganda mo pano pa kaya pagsinuot mo na yung mga ipapasuot ko sayo" habang sinusuklay ang buhok ko.

"Salamat po" I smiled at her.

"Alam mo iha bagay na bagay kayo ni Darius, gusto mo ba siya? Kita ko sa mga mata mo kanina iba yung tingin at gulat mo ng makita mo siya. Kung gusto mo siya ilalakad kita sa kanya" natutuwang sabi ni Miss Andy. Medyo nailang ako kaya tumikhim ako.

"Naku hindi ko po siya gusto, tsaka may girlfriend po 'yon" peke akong ngumiti dahil hindi ko alam irereact ko, baka kasi mahalata niyang naiilang ako.

"Ay naku si Darius magkakajowa? ubod nga ng sungit niyan sa lahat ng babaeng model na sinubukan siyang yayain ng date. Alam mo ba iha" tumigil siya sa pagsasalita at kumuha ng upuan at tumabi sa akin.

"Ikaw pa lang ang unang babae na nilapitan niya, parang may iba" napailing pa ito at napahawak sa kanyang baba.

"Hehe kung ano ano po naiisip niyo" napakamot ako sa sintido ko. Akmang magsasalita ulit siya, buti na lang pumasok si heather dala yubg mga damit.

"Miss Andy ito na po" sabay abot ng tatlong dress na white.

"Aisha, choose what do you want to wear" sabi sa akin ni Miss Andy at pinakita ang tatlong dress na iba iba ang design

Tiningnan ko iyon lahat yon ay magayanda pero isa ang nakatawag talaga ng pansin ko. Yung halter neck flowy lace dress. Kinuha ko iyon at sinuri ng tingin. Ngumiti ako kay Miss Andy, alam na niya ang ibig kong sabihin. Inabot niya yung dalawang dress na hindi ko napili.

"Suotin mo na iyan, para makapagstart na tayo" nginitian ako ni Miss Andy. Tumango at dumiretso sa banyo.

Hinubad ko ang robe ko at sinuot na ang damit. Pinagmasdan ko ang sarili ko ibang iba na itsura ko , hindi tulad dati panget.

Lumabas na ako ng banyo at lahat sila ay napangsibghap.

"Bagay po sa inyo Miss Andy"

"Ang ganda niyo po"

Ang dami ko pang narinig na papuri mula sa kanila. Nginitian ko lang at nagpasalamat.

"Sabi na kahit anong piliin mo babagay sayo e" sabi ni Miss Andy habang pinagmamasdan ako. Humawak siya sa balikat ko at pinaikot ako.

"Perfect! Perfect! Samahan mo pa ng hottie na nasa kabilang kwarto jusq iha baka hindi na barko tingnan sa picture kundi kayong dalawa ni Darius. Maladiyos ang kagandahan at kagwapuhan ninyo" napapailing na sabi ni Miss Andy

"Final touches na lang ready ka nang lumabas, okay?" tumango na lang ako at hinayaan silang ayusan ako. Nilagyan nila ako ng flower crown sa ulo at pinasuot ng heels. Inayos na rin nila ang buhok ko.

Pagkaraan ng ilang minuto ay tapos na rin ako ayusan at pinalabas na.

Pagkalabas na pagkalabas ko ay kita ko si darius nag aantay sa akin sa labas nakasandal siya sa tabi ng pinto at nakapamulsa pa. Nakasuot siya ng white button down shirt at khaki pants. Nakabukas pa ang tatlong butones nito kaya kita ang dibdib niya.

Nang mapansin ako ni Darius ay nag angat siya ng tingin sa akin. Napatitig ako sa mga mata niya at napatitig rin siya sa akin.

Parang biglang nagfast forward ang mga pangyayari. Nasa simbahan kami at siya ay nag aantay sa altar. Ngiting ngiti siya sa akin at ako ay tumulo ang luha sa sobrang saya. Bumilis ang tibok ng puso ko na parang nakikipag unahan sa akin makarating sa altar. Nabalik ako sa ulirat ng marealize ko kung ano ang naiimagine ko. Umiwas ako ng tingin kay Darius dahil nailang ako. Napangisi naman siya, lakas makangisi kala mo kung sino.

SAIL WITH ME (On-going)Where stories live. Discover now