Chapter 18

16 2 1
                                    

CHAPTER 18

Umuwi ako ngayon sa bahay, dahil may sasabihin raw si Mommy sa akin.

"Aisha" tawag sa 'kin ni Mommy

"Bakit po, Mommy?" tanong ko

"Next week na birthday mo. Gusto mo bang magpaparty?" tanong niya

"Huwag na po. Okay na po 'yung tayo-tayo lang" sabi ko.

Lumapit siya sa akin at sinuklay niya ang buhok ko gamit ang mga daliri niya.

"Gusto mo sa cruise ship tayo magparty" sabi ni Mommy

"Madaming tao at masyadong malaki, isang araw lang naman ang birthday ko" pangungumbinse ko pa. Ayoko talaga ng engradeng kaarawan, mas gusto ko pa na kami kami na lang ang magcelebrate. Kaysa mag imbita pa ng mga taong hindi ko naman kilala.

Tumawa si Mommy sa sinabi ko.

"Oh sige kung 'yan ang gusto mo" ngumiti si Mommy

"Kahit sa company na lang, Mommy. Mas gugustuhin ko pa iyon, kaysa sa mga taong kayo lang nakakakilala" sabi ko pa "Tsaka plano ko pong yayain na magdinner si Darius"

"Oo na, sige na magpahinga na sa taas" nangiting sabi sa akin ni Mommy. Umakyat na ako sa taas at pumasok sa kwarto ko.

Buong araw lang ako natulog sa bahay, dahil nga sunod-sunod ang trabaho. Aba kailangan ko ng pahinga, hindi na kasi ako masyadong nakakatulog ng maayos.

Monday na naman at work day busy ulit as usual. Mamaya ay tatawagan ko si Darius para yayain magdinner sa wednesday.

My birthday.

Calling Darius...

Ring lang ng ring yung phone niya pang-ilang tawag ko na to sa kanya. Busy siguro kaya tinext ko na lang siya.

Bumalik na ako sa trabaho ko. Ang hirap pagmalaki ang kompanyang hahawakan mo in the near future. Lalo na't kilala ang kompanya, kaya pag nagkaproblema kalat hanggang universe.

"Sakit sa ulo, be"

Pag uwi ko sa condo nagluluto na si Lia kaya kain na lang ginawa ko. Siya na naghugas syempre, alam niyang pagod ako e. Wala nga 'tong ginagawa, minsan lang pumasok tsk.

Mabilis lumipas ang mga araw at dumating na ang pinakaiintay kong araw. Excited na ako sobra, dahil ngayon ay ang aking kaarawan.

Today is my birthday. Naligo na ako nagsuot lang ako ng red na blouse at white pencil cut skirt na pinaresan ko ng white heels. Paglabas ko ay nakaabang na si Lia sa pinto ko.

"Happy Birthday to you! Happy Birthday to you! Happy Birthday! Happy Birthday! Happy Birthday to you!" kanta ni Lia sakin. May hawak pa siyang cake.

"Ihipan mo na candle mo and make a wish" sabi ni Lia.

I close my eyes and make a wish. I blow the candle and smile.

"Thank you, Lia" sabi ko nilapag niya yung cake sa mesa para yakapin ako.

"I'm always here for you, Aisha" sabi niya at mahigpit ako niyakap

"Tara na pasok na tayo sabay ka na sa 'kin" kinuha niya 'yung susi niya.

Pagdating namin sa company sinalubong agad ako ng mga staff at employee.

"Happy Birthday, Ms. Aisha!" bati nila

Napangiti ako sa kanila.

"Salamat sa inyo may handaan mamaya sa conference hall lahat kayo pumunta doon mamaya, okay ba?" sabi ko

SAIL WITH ME (On-going)Where stories live. Discover now