Prologue

116 10 0
                                    

Prologue

Kinakabahan ako ngayon dahil ngayon na yung panahon na magkikita ulit kami.

"Lia" tawag ko sa bestfriend ko

"Sa tingin mo ba handa na ako?" tanong ko

"Hindi ako ang makakasagot niyan" niyakap niya ako ng mahigpit to cheer me up.

"Kaya mo 'yan" sabi niya sakin. I smiled.

Pumunta na ako sa kwarto ko para maligo.

Nagsuot lang ako ng white sleeveless dress with buttons sa gitna at white heels. I put a light make up too. Lumabas na ako ng kwarto. I sighed dahil sa kaba.

I know I have to face my fear hindi pwedeng lagi na lang ako nagtatago at hindi susubukang harapin 'to. Even though it caused too much pain and misery to me I have to overcome it.

"Are you ready?" tanong sa'kin ni Lia

Tumango ako at ngumiti sa kanya.

"Oo, tara na" sabi ko sumakay kami sa kotse niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako marunong magdrive. I tried before but nung nangyari 'yon ay hindi ko na sinubukan ulit.

"Ayos ba suot ko ha? 'Yong make up ko ayos ba?" tanong ko. Inaayos ko ang suot kong dress at tiningnan ko rin ang sarili ko sa salamin.

"Kung makatanong ka naman kala mo date yun ah it's a business meeting Aisha naiintindihan mo" she sighed

"Ayos naman suot at make up mo parang hindi na ikaw yung Aisha na kilala niya dati" sagot ni Lia

Hindi na nga ba talaga ako yung dati, siguro I changed for my own good. Sobrang sakit nang naidulot niya sa'kin kaya ako nagbago but its okay.

Dumating na kami ni Lia sa restaurant kung saan ang meeting place namin.

Bumaba na kami ni Lia at pumasok na kami sa loob. Sa loob ng ilang taon makakaharap ko ulit siya. Hinatid kami ng waiter sa reservation.

Kumakabog ang dibdib ko hindi ko alam ang gagawin.

'Kaya mo yan, Aisha'

"Mr. Shan" pagtawag ko sa kanya napaangat siya ng tingin sa'kin. Napatitig ako sa mga mata niya at bumalik lahat ng sakit sa'kin pero agad akong nakabawi.

"Good evening take a seat please" sabi ni Darius

"Thank you" sabi ko at umupo na kami ni Lia

Sinimulan na namin ang meeting. Minsan ay napapatingin ako kay Darius ang laki ng pinagbago niya mas tumangkad siya, mas naging matured 'yong mukha niya kaysa dati lalo siya gumwapo at lumaki rin ang katawan niya. Iniwas ko 'yong tingin ko ng napansin niyang pinagmamasdan ko siya nagkunwari akong busy sa binabasa ko.

We discussed about the cruise ships improvements at pagpapagawa pa ng mas maraming barko. Kahit na naiilang ako pinilit ko pa ring magfocus

"Thank you, Ms. Collins and Lia for accepting my invitation" nakipagkamay siya kay Lia. Inabot niya ang kamay niya sakin para makipagkamay pero napagtitig lang ako don.

'Hindi niya ako tinawag sa pangalan ko'

Kinurot ako palihim ni Lia kaya nabalik ako sa pag-iisip.

"Oh sorry Mr. Shan I'm spacing out and I hope work with you soon" sabi ko na hindi siya kinamayan binawi niya ang kamay niya

"We have to go marami pa kaming gagawin thanks for the dinner" kinuha ko na ang bag ko at hinila na si Lia dahil nalulutang na ako.

Nang makasakay na kami ni Lia sa kotse niya nakahinga na ako ng maluwag.

"Are you sure na hindi ka na affected sa kanya parang kang ewan kanina dun HAHAHAHA" sabi ni Lia

"Hindi na nga naka......move on na ako tsaka ano bang tinatawa tawa mo dyan?" tinarayan ko siya

"Talaga lang ah HAHAHAHA" tumatawang sabi ni Lia at nagdrive na siya paalis

'Nakamove on na ako'

"Lia" tawag ko

Nakapagdesisyon na ako.

"Yes" sagot niya habang nakatingin pa rin sa daan.

"Sa bahay mo ko ihatid" sabi ko

Napapreno siya bigla. Nilukod ng takot ang sistema ko.

"Lia magdahan-dahan ka naman please" sabi ko na nanginginig ang boses

"I'm sorry nagulat lang ako. Are you sure doon kita ihahatid ngayon?" nag-aalala niyang tanong

"Yeah I'm sure" nakangiti kong sabi

"Okay if will make you happy" sabi niya nag-aalala pa rin ang tono ng boses niya.

Nang makarating kami sa village namin ay hinatid niya ako sa tapat ng gate.

Sa loob ng ilang taon ngayon ko na lang ulit ito nakita at napuntahan. Nilukob ng sakit at lungkot ang puso ko. I smiled bitterly.

"Aisha if you need me I'm just here call me ha" sabi niya pa.

I know Lia is concerned for me. She knows everything about. Hindi siya umalis sa tabi ko simula una, alam niya lahat ng pinagdaanan ko. Kaya ganyan na lang siya mag alala

"Gusto mo bang samahan kita?" tanong niya sa'kin. Umiling naman ako.

"No kaya ko na sarili ko sunduin mo na lang ako bukas ng umaga" sabi ko.

Tumango lang siya at nagdrive na paalis.

Pumasok ako sa loob ng gate. Ang bigat ng dibdib ko. Pinagmasdan ko ang labas ng bahay tahimik at walang buhay. Pumasok ako sa loob at 'di ko namalayan na tumulo na pala luha ko. Itong bahay na to ang nakasaksi kung gaano kami kasaya kung paano kami nagkulitan. Ang sakit ang sakit sakit. Pinikit ko ang mga mata ko at inaalala lahat ng magagandang alaala namin sa bahat na 'to.

Umakyat ako sa kwarto ko. Wala pa ring pinagbago pero alam ko malungkot malungkot na ito simula nung mangyari yun. Humiga ako sa kama at doon humagulgol hanggang sa nakatulog ako.

Natulog ako ng nag-iisa at walang kasama.

-yanna klair

SAIL WITH ME (On-going)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora