Chapter 6

24 5 0
                                    

CHAPTER 6

Nagising ako sa alarm ko. Pumasok ako sa banyo para maligo na. Nagsuot lang ako ng black shirt na may print at tinuck-in ko lang sa harap ng high waisted pants ko and white converse. Tinali ko lang ang buhok ko and wear my glasses.

Nilagay ko na sa paper bag yung damit ni Darius, para isauli sa kanya mamaya.

Paglabas ko ay may nakahanda nang breakfast sa lamesa si Lia ang nagluto. Sino pa ba magluluto e kami lang dalawa dito? Katok katok sa ulo nalulutang na naman. Kumain na ako then umalis na.

Nagjeep na lang ako papuntang school. Pumasok na ako sa first class ko as usual.

"Sa wakas break na rin" sabi ko habang nag-iinat niligpit ko yung gamit ko at pumunta na ng cafeteria nakita ko si Lia at Zack nakaupo sa usual spot namin.

"Nakakapagod makinig sa prof, lalo na paglutang ka" sabi ko pagkaupo.

I remove my glasses and massage the bridge of my nose.

"Kiss kita gusto mo" sabi ni Zack.

Tinawanan lang siya ni Lia.

"Hanggang biro ka na lang talaga Zack" umiiling na sabi ni Lia

Hindi ko na lang sila pinansin at pumikit ako saglit.

Kinalabit ako ni Zack.

"Ano kakainin mo?" tanong niya

"Sinigang with rice" sabi ko sabay bigay sa kanya ng pera

"Sayo?" turo niya kay Lia

"Sandwich na lang ayoko magkanin" sabi ni Lia

"Okay yung lang ah" sabi ni Zack " Bye bbloves" sabi ni Zack sa'kin.

Ang kulit talaga nito tinadyakan ko nga sa pwet.

"Aray ko naman Aisha" sabi niya habang hawak 'yong pwet niya.

"Ang kulit mo kasi" natatawang sabi ko

Umalis na siya para bumili ng lunch namin. Nagkwentuhan lang kami ni Lia hanggang sa dumating si Zack.

"Lia alam mo ba nung umuwi kami ni Aisha sa kanila" nilunok muna ni Zack nginunguya niya bago ituloy kwento niya.

"Bisita ng daddy niya yung babaeng nagbuhos sa kanya ng tubig" sabay subo ng kanin

"Bakit 'di mo kinuwento yan Aisha?" nagtatampong sabi niya

"Busy kaya tayo sa panonood kahapon pano ko ikwekwento?" kain pa rin ako ng kain

Kinuwento ko na lang sa kanya yung nangyari.

"Ang tapang talaga niya siya pa may ganang mang ganon e siya nga may kasalanan sayo" sabi ni Lia

Nagkibit-balikat na lang ako.

"Una na ako hahanapin ko pa si Darius para ibalik yung shirt" I kissed Lia in the cheeks.

"Ako wala" sabi ni Zack

"Sapak gusto mo" inamba ko kamao ko. Nagpeace sign lang siya sa'kin

"Sige alis na ako" sabi ko kinuha ko yung bag ko at yung paper bag.

Pumunta ako sa football field baka andun siya. Tama nga ako kasama niya 'yong ibang players.

Naglakad ako papunta sa kanya.

"Darius" tawag ko sa kanya

Napalingon siya pati na rin yung ibang kasamahan niya.

"Sino yan bro humahabol sayo" biro sa kanya nung isa.

SAIL WITH ME (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon