Chapter 1

56 6 0
                                    

CHAPTER 1

Normal day papasok sa school makikinig sa prof tapos uwi na. 'Yon ang lagi routine ko araw araw walang bago ang boring hays.

"Hoy Aishantel!" nagulat ako kay Zack walang hiya talaga 'to kahit kailan kala mo tigyawat kung saan-saan sumusulpot.

"Ano na naman mang bibwiset ka lang e" inayos ko yung suot kong salamin. Hindi naman malabo mata ko e sinusuot ko lang dahil mukha akong phone lagi ako nakatuktok sa phone kaya nagsusuot ako ng salamin.

"Grabe ka naman sakin Aisha sakit sa heart ah" umaakto na parang nasasaktan siya. Hinampas ko dibdib niya napaaray siya.

" 'Yan ang tunay na masakit bwiset ka" asar kong sabi

Naglakad kami papuntang cafeteria.

"Anong gusto mo Aisha? " tanong niya sa'kin

"Beef steak na lang tas C2 thanks zack" naglakad na siya palayo sa'kin para bumili ng pagkain namin.

Nakita ko si Darius Shan papasok ng cafeteria pinagkakaguluhan siya ng mga babae sa loob ng cafeteria na mukhang asar na asar na sa nangyayari sa mundo niya. Sikat na sikat siya dito sa campus, laging pinagkakaguluhan ng mga babae

'Napakagwapo naman nito para habol habulin ng mga babae' sa isip isip ko

"Pagkain mo" Nilapag ni Zack yung tray sa harap ko.

"Salamat Zack dabest ka talaga" sinimulan ko na kumain pati na rin siya.

Biglang may tumabi sa'king lalaki at inakbayan ako napatigil sa pagsubo si Zack at kumunot ang noo.

"She's my girlfriend" napatingin ako dun sa babae na mangiyak-ngiyak na, tumakbo na 'to palayo. Tiningnan ko yung lalaking nakaakbay sa'kin.

Si Darius ano naman ang ginagawa ng impokritong 'to sa tabi ko.

"Pwedeng alisin mo yang braso mo sa balikat ko kumakain kasi ako e hehe" sabi ko tsaka dahan dahan na inaalis 'yong kamay niya sa balikat ko.

"Oh sorry!" kinuha niya yung kamay niya sa pagkakahawak ko

"Pasensya na ah nakakaasar na kasi lagi na lang sila sunod ng sunod sakin" reklamo niya

"Magshare ka kasi ng kagwapuhan mo" sabi ni Zack sa kanya

"Kung pwede lang dati ko nang ginawa yan" namomoroblemang sabi ni Darius

"Ahmm pwede ko bang malaman pangalan mo?" tanong niya

"Kaninong pangalan ba sa'kin o sa kanya" turo ni Zack sa sarili niya at sunod turo sa'kin.

"Pangalan niyo na lang dalawa" sabi niya

"Ako nga pala si Zack the Cutie ito naman si Aisha unggoy of the campus" sinamaan ko siya ng tingin "Joke lang" nagpeace sign siya

"Aishantel Leigh Collins" inabot ko 'yong kamay ko sa kanya at kinamayan siya.

"So pwede bang dito muna ako magstay tas sabay na lang ako sa inyo lumabas" sabi niya

"Ikaw bahala bili ka na lang pagkain mo baka matakam ka pa sa pagkain namin bumaha ng laway dito" biro ko sa kanya

Tumayo naman siya at bumili ng pagkain niya.

"Oy Aisha ang swerte mo ah naakbayan ka ni Darius 'di mo ba alam na pinapangarap yan ng mga babae sa campus" bulong ni Zack sakin

"Alam ko" sagot ko habang puno ang bibig ko ng kanin

"Alam mo naman pala e bakit parang wala lang sayo" sabay subo niya 'don sa hotdog.

SAIL WITH ME (On-going)Where stories live. Discover now