Chapter 2

34 6 0
                                    

CHAPTER 2

"Argh kaasar talaga" habang pinupunasan 'yong damit ko

Saan ako hahanap ng damit nito 'di pa naman ako mahilig magdala ng extra shirt. Manghihiram na lang ako kay Zack lagi naman may dalang extra shirt yun e.

Asar na asar ako habang bumababa ng hagdan. May nabunggo akong lalaki.

"Aray!" sabay hawak sa noo ko. Ba't ang malas ko ngayon?

Tiningnan ko kung sino nakabangga ko.

Si Darius kasama mga kaibigan niya

"Aisha ba't basang basa ka?" kunot-noong tanong niya

"Edi binuhusan ako ng tubig nung mga babaeng may gusto sayo kaasar naman wala pa naman ako extra shirt" asar kong sabi

"Gusto mo pahiram ko na lang extra shirt ko nasa kotse" sabi niya. Buti naman may naidulot 'to. Okay lang siya naman dahilan kung bakit parang basang sisiw ako dito.

Inayos ko salamin ko.

"Okay sige" sang-ayon ko

"Hoy Darius hindi ka nagpapahiram ng shirt mo 'di ba?" sabi nung kaibigan niyang nakastripe blue shirt

"Oo nga never kang nagpahiram damot mo kaya" sabi naman nung isa na naka plain white shirt at nakamaong jacket

"Its not your business" sabi ni darius "Aisha sila nga pala mga kaibigan ko si Kevin" turo niya sa lalaking nakamaong jacket " at ito si Leo" turo niya sa lalaking nakastripe blue shirt

" 'Wag mo na lang sila pansinin may mga sapak kasi 'yang mga 'yan e" sabay suntok ng mahina sa balikat ni Leo.

Infairness mga gwapo rin pero wala akong paki nilalamig na ako dahil basang basa shirt ko. Niyakap ko sarili.

"Darius pwede bang tara na? Nilalamig na kasi ako e" sabi ko

"Sige una na ako pare" sabi ni darius sa mga kaibigan niya

"Ingat ka dyan Aisha matinik yan HAHAHA baka masugat ka ikaw din" sabi ni Kevin habang kumakaway sakin

Inambahan naman siya ng suntok ni Darius.

"Tara na" aya niya

Sumunod ako sa kanya papunta sa parking lot ng school. Kinuha niya sa loob ng kotse niya yung extra shirt niya. Inabot niya sa'kin 'yon.

"Here you can change inside tinted naman kotse ko" sabi niya

"Okay sige" pumasok ako sa passenger seat hinubad ko na basa kong damit at sinuot yung shirt niya. Medyo malaki to sakin kaya tinuck in ko na lang sa high waist jeans ko.

Lumabas na ako.

"Ayos bagay sayo" he chuckled

"Thank you" sabi ko habang nilalagay sa bag yung basang shirt ko. Napatingin ako sa relo ko.

Shit late na ako sa class ko.

"Ah Darius una na ako late na kasi ako sa next class ko" sabi ko

"Okay bye" sabi niya nagwave ako sa kanya at tumakbo na papuntang building namin.

At ayon na nga late nga ako sa klase ko dahil sa mga unggoy na yun hays.

Pagpasok ko sa classroom nagbubulungan mga kaklase kong babae.

"Bakit suot niya yung football jersey ni Darius tingnan niyo oh" sabi ni Eli kaklase kong tsismis spreader.

"Oo nga no" sang-ayon naman nung isa

"Guys look she's wearing darius shirt" sabi nung maarte kong kaklase

Sinuway naman sila ng prof kasi ang ingay-ingay nila.

Umupo ako don sa pinakalikod ano bang meron sa shirt na 'to.

Tiningnan ko yung likod.

'Shit kaya naman pala may apelyido niya sa likod'

Another issue na naman 'to sa campus.

Hinayaan ko na lang sila magbulungan at nakinig na lang ako sa prof.

Pagtapos ng klase ay lumabas agad ako at hinanap si Zack.

"Aisha sha shaaaaaa!" sigaw ni Zack sakin. Kala mo ilang taon 'di nagkita. Natigilan siya nang mapansin iba yung suot kong shirt.

"Kaninong shirt yan?" tanong niya

"Kay Darius binuhusan kasi ako ng tubig ng mga unggoy niyang admirers e kabwiset sarap sulpalpalin" sabi ko

"Football jersey niya yan ah" sabi niya

"Ayos na 'to kaysa wala akong masuot no" sabi ko.

Tumango na lang siya.

Inaya ko na siyang umuwi wala naman si Lia e kaya sa kanya na lang ako sasabay pauwi.

Hinatid niya ako sa condo namin ni Lia.

Nasaan na kayo yung babaeng yun 'di ko siya nakitang pumasok kanina sa school e.

"Sige salamat Zack" kumaway ako sa kanya

"Welcome bye" matamlay niyang paalam

Ba't ganon 'yon 'di naman siya dating ganon ah?

Hindi ko na lang pinansin at sumakay na sa elevator papuntang floor namin.

Binuksan ko yung pinto at nakita ko si Lia nakaupo sa sofa habang nanonood ng netflix. Taray ni gaga pachill chill lang.

Sinabunutan ko siya.

"Aray ko naman Aisha" reklamo ni Lia

"Ba't hindi ka pumasok!?" tanong ko

Hindi naman kasi kami sabay pumasok nito ni Lia mas nauuna siya kaysa sakin kaya malay ko bang 'di pala pumasok.

"Nalate ako ng gising hehe" sabi niya

"Ewan ko sayo" tumayo ako at pumuntang kusina sinundan niya ako

"Wait wait wait why are you wearing the shirt of darius" gulat niyang tanong

" 'Yan 'wag pa pasok 'di mo tuloy alam nangyari" inirapan ko siya

"Waaaah bestie lahat kaya ng babae sa campus may gusto kay darius kwento ka naman dyan" kinikilig na sabi ni Lia

Kinuwento ko sa kanya yung nangyari lahat lahat detalyado walang labis walang kulang.

"Sino 'yong mga 'yon gusto mo resbakan natin?" umaamba siya na parang may kasuntukan. Hinila ko braso niya paupo.

"Umaayos ka nga kaya ko 'yon ano ka ba ako pa" I smirked

"Sabagay mukha kang siga HAHAHAHA" tawa niya

"Alam mo Aisha mag ayos ka lang ng konti magbabago tingin ng lahat sayo kasi tingnan mo ayos mo" turo niya sa damit ko.

"Paulit ulit tas kung magsalita ka parang kang naghahamon ng away at magmake up ka naman kahit konti promise malalabas yang hidden beauty mo" turo niya sa mukha ko

"E sa ayoko mag ayos make up make up mukha akong clown" sabi ko

"Hindi ah ako mag-aayos sayo" nakangiti niyang sabi

"E ayoko nga bahala ka dyan" sabi ko sabay pasok sa loob ng kwarto ko at nilock para 'di siya makapasok kasi alam ko mangungulit siya. Rinig na rinig ko pa rin yung sigaw niya mula sa labas.

Makaligo na nga lang. Pumasok ako sa banyo at naligo na.

Napatingin ako sa shirt ni darius. Pano ko 'to ibabalik? Nakalimutan kong tanungin.

Hayaan mo na sa susunod na lang pag nagkita kami ulit.

Nahiga na lang ako sa kama ko para ituloy 'yong naudlot kong pagtulog kanina dun sa rooftop.

Hay salamat wala nang manggugulo sa'kin dito.

-yanna klair

SAIL WITH ME (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon