Chapter 5

25 6 0
                                    

CHAPTER 5

Si Darius siya 'yong nag-alok sa'kin ng tubig. His wearing black jersey na pinaresan ng black running shorts at rubber shoes. He looks hot I could see the sweat dripping down to his neck. Sa tingin ko ay kakatapos niya lang rin tumakbo at nagpapahinga na

"I supposed to be ask that question too" he chuckled

"Ba't ka andito?" tanong ko ulit "Parang kang tigyawat e sulpot ng sulpot" sabi ko kinuha ko yung tubig sa kanya

"Thanks for this" sabay inom

"Ba't ako nandito kasi dito kami nakatira isn't that obvious?" he chuckled "Umuuwi ako dito kapag hindi busy" dagdag niya.

Tumango tango ako.

"Malay mo bumisita ka lang" sabi ko "Ahmm yung shirt mo sa monday ko na balik" tiningnan ko 'yong reaksyon niya.

"Sige lang" sabi niya

Nakita ko sila Kevin at Leo. Lumapit sila sa'min

"Oh pare sino yan chixx ba 'yan?" tanong ni Leo

"Pare hindi chixx 'yan si Aisha 'yan" sabi ni Kevin

"Oh yung pinahiram mo ng shirt pare nice" sabay tapik sa balikat ni Darius

Tumabi sakin si Leo at inakbayan ako. Tinanggal ni Darius yung pagkakaakbay sakin ni Leo.

"Oh easy lang pare" tumatawang sabi ni Leo. Napatingin ako kay Darius na madilim 'yong mukha nakatingin kay Leo.

"Alam mo ba ikaw lang pinahiram nitong si Darius ng shirt swerte mo ah" sabi ni Leo sakin

"Basa lang kasi shirt ko nun kaya niya pinahiram sakin" sabi ko "Tsaka siya rin naman dahilan nun" dagdag ko pa

"I think there is a another meaning Aisha trust me" bulong sa'kin ni Leo.

Naguguluhan ako sa ibig sabihin niya may sapak ata 'to e.

"Gusto mo bang sumabay sa'ming magbreakfast Aisha" tanong sakin ni sakin ni Kevin

"Tara ano g ka ba?" sabi sa'kin ni Leo

"Okay nagugutom na rin ako e" itetext ko na lang sila mommy na sa labas ako magbrebreakfast.

Pumunta kami sa nakaparadang kotse ni Leo.

"Aisha tabi na kayo ni Darius sa passenger seat" sabi ni Kevin

Sinamaan naman siya ng tingin ni Darius. Nagtawanan lang 'yong dalawa. Wala naman akong paki kung magkatabi kami. Nagtawanan lang sila ni Leo. Sumakay na kami at nagdrive si Leo palabas ng village.

Sa pancake house. Doon nila napagdesisyunan kumain ng umagahan. Pumasok kami sa loob at naghanap ng mauupuan.

"Anong order mo Aisha?" tanong sa'kin ni Darius

"Beef tapa na lang" sagot ko

"Kakatapos lang magjogging heavy agad HAHAHA sayang yung binurn fats mo Aisha" sabi ni Kevin

"I don't care about it, I'm not used to eat light meal in the morning heavy talaga ako kumain" sabi ko

"Different from other girls hmm interesting" sabi niya

"Ayon lang ba order mo Aisha?" kuha sa atensyon ni Darius

"And one hot chocolate na lang, thanks" sabi ko sa kanya.

"Oh kayo ano gusto niyo mga kupal" tanong ni Darius sa kanila

"Pancake lang pare" sabi ni Leo

"Yon na lang din sa'kin" sabi ni Kevin

SAIL WITH ME (On-going)Where stories live. Discover now