Chapter 4

20 5 0
                                    

CHAPTER 4

"Magkakilala kayo?" tanong ni Daddy

"Hindi!" sabay naming sigaw

Napakamot na lang ng ulo si Daddy. Sama pa rin ng tingin nitong babaeng 'to siya 'yong nagbuhos sa'kin ng tubig sa rooftop. Dukutin ko kaya mata nito kabwiset.

"Kala ko magkakilala kayo e" sabi ni daddy "Aisha ito si Andrea anak ni Tito Clifford mo Andrea anak ko si Aisha" pakilala niya. As if naman gusto ko 'to makilala.

"Bestfriend magkakilala kayo?" bulong ni Zack

"Hindi nga ang kulit mo" asar kong sabi umupo na lang ako sa tabi ni mommy.

Umupo naman si Zack sa kaliwang upuan sa tabi ko.

"E bakit ganon reaksyon niyong dalawa?" tanong niya

"Siya yung nagbuhos sakin ng tubig sa rooftop" asar kong sabi

"Ano bestfriend sumbong natin kay mommy mo dali" sabi niya habang tinutulak ako

"Ano ako bata para magsumbong kumain ka na nga lang dyan" sabi ko

Nagsandok na ako ng kanin sa plato ko.

Nanahimik na lang ako kaysa mawalan ako ng gana iisipin ko na lang wala akong kaharap na unggoy.

"Ang laki mo na Aisha dati nung nakita kita ang liit liit mo pa" sabi ni Tito Clifford "Ngayon dalaga ka na at ang ganda ganda mo pa" sabi niya pa

"Thank you po" sabi ko ng nakangiti

"Maganda ba yan duh mas maganda pa ako dyan" rinig kong bulong ni Andrea. Tiningnan ko siya ng masama. Pag ako 'di nakapagpigil sasakalin ko 'to.

"Oo nga kumpare dalaga na rin yan si Andrea at ang ganda ganda rin" puri ni Daddy sa kanya.

She flips her hair na parang sinasabi 'I told you mas maganda ako'

"San ka nag aaral iha?" tanong ni Mommy sa kanya

"Sa FEU po tita" sabi ni Andrea

"Oh same school lang pala kayo ni Aisha e" sabi ni Mommy

Kung alam mo lang mommy siya yung nambully sakin. Pasalamat ka 'di kita sinumbong kundi naku.

"Hindi ba kayo nagkikita roon ni Aisha?" tanong ni Daddy

"Ah hindi po e" parang anghel na sagot ni Andre pero demonyita naman talaga

"Oy bestfriend kawawa yung manok sayo durog na durog na" puna ni Zack sa'kin.

Oo nga durog na durog na 'to dito ko tuloy binunton asar ko dito sa unggoy na 'to.

Natapos na kaming kumain. Naunang umalis si Zack tamo 'tong isang 'to nakikain lang.

"Bakit hindi kayo lumabas sa garden Aisha samahan mo 'tong si Andrea" sabi ni mommy

"Akyat na lang po ako sa taas mommy" sabi ko

"Aisha 'di ganyan ang paggreet sa bisita anak" sabi ni Mommy sa'kin

"Tara andrea dun kayo sa garden ni Aisha" yaya ni Mommy sa kanya wala naman akong nagawa kundi sumunod kung hindi mapapagalitan ako ni Mommy

"Padadalhan ko na lang kayo ng juice kay Mira" sabi ni Mommy

"So you are the heiress of Royal Caribbean Company huh?" maarte niyang sabi "Di halata sayo" she smirked

Tinaasan ko siya ng kilay "E ano naman sayo?"

Dumating si Ate mira dala yung juice.

Ininom yun ni Andrea.

SAIL WITH ME (On-going)Where stories live. Discover now