Chapter 9

13 4 0
                                    

CHAPTER 9

Pagkapasok ko sa loob ng bahay, nakita ko si Mommy may kausap. Nilapitan ko siya at hinalikan sa pisnge.

"Hi mommy" bati ko sa kanya

"Oh anak andito ka na sakto kakarating lang din ni Ms. Aileen siya ang magtatahi ng gown mo" turo ni Mommy sa babaeng nakaslacks at blazer ang suot.

She have a good fashion sense, malamang fashion designer nga e. Ngumiti ako sa kanya.

"Hi Aisha, ready ka na ba? Sukatan na kita" sabi niya habang nakangiti. Sinimulan na niya akong sukatan.

Medyo nahirapan siya kasi nga nakahoodie ako.

"Ang ganda ng katawan mo, Aisha ang ganda mo damitan" she complimented

"Hay nako, Aileen hindi mo mapipilit magsuot ng dress yan" sabi ni mommy kay Ms. Aileen.

Tumawa lang ito at pinapili na ako ng design for my gown. Simple lang yung napili kong gown. Halos wala ngang kaakit-akit sa napili ko e.

"Ang ganda nang napili mo sa tingin ko, mas gaganda pa 'to pagsinuot mo it's simple but elegant" komento ni Ms. Aileen.

Tumayo na siya at niligpit ang mga gamit niya. Hinatid namin siya ni Mommy sa gate.

Umakyat na ako sa taas at nagpalit ng damit. Nagsuot lang ako ng shorts at gray shirt. Bumaba na ako para tulungan si mommy magluto ng tanghalian. Kahit na may mga katulong naman mas gusto ni mommy na tumutulong pa rin siya. Kaya napakalapit namin sa mga kasambahay dito.

Bumaba na ako at pumuntang kusina nakita ko si mommy naghihiwa ng mga rekados para sa lulutuin niya.

"Mommy ako na po dyan" presinta ko.

Kinuha ko sa kanya yung kutsilyo at nagsimula nang maghiwa.

"Sige anak gagawa muna ako ng dessert anong gusto mo?" tanong ni mommy sakin.

"Mango graham na lang mommy" sabi ko.

Kinuha niya yung mga kailangan doon sa ref at tumabi sakin. Habang gumagawa kami biglang nagtanong sakin si mommy.

"Anak,may tanong ako" sabi ni mommy.

Naghihiwa siya ng mangga.

"Ano yon mommy?" tanong ko

"Sino yung nakapagpayag sayo na sumali sa party? Curious lang ako anak" nagpeace sign siya sa'kin.

"Mommy naman para kang si Lia e" sabi ko sa kanya.

"E kami nga ni Lia 'di ka mapilit, tapos sinagot mo lang yung tawag and then you agree magdredress ka na" pumalakpak pa si Mommy

"I want to meet him" sabi ni Mommy.

"How did you know na it's a guy?" nagtatakang tanong ko.

Naningkit mata ko.

"Sinabi sayo ni Lia 'no mommy" sabi ko

Masisipa ko talaga 'tong si Lia pag-uwi ko sa condo.

"Sinabi niya na lang naman na lalaki yon, but she didn't say the name. Kaya sino nga anak? Boyfriend mo ba yan?" pangungulit pa ni Mommy.

Itinigil ko muna yung paghihiwa ko at humarap kay mommy tinigil niya rin yung ginagawa niya.

Biglang pumasok si daddy sa kusina. Naku isa din 'tong makulit e.

"Anong boyfriend? Sinong may boyfriend?" tanong ni Daddy. Sinasabi ko na nga ba.

"'Di ba hon nakwento ko sayo na may nagpapayag sa kanya" tumango tango si Daddy seryosong-seryoso mukha.

SAIL WITH ME (On-going)Where stories live. Discover now