Chapter 14

16 3 0
                                    

CHAPTER 14

Saktong dumating si Zack nang nakahain ang pagkain.

"Wazzup people!" sigaw ni Zack. Ano bang aasahan mo dyan lagi namang maingay yan si Zack.

"Oh sakto ang dating mo iho kakain na" sabi ni Daddy. Lumapit siya kay Daddy at nagmano kay Mommy naman ay nagbeso siya.

"Kain na" sabi ni Mommy

Kumain na kami at nagkukwentuhan ng biglang nasabi ni mommy kay daddy yung tungkol kay Darius.

"Hon, alam mo bang nililigawan na 'tong si Aisha ni Darius" tuwang-tuwa na sabi ni Mommy.

"Aba naman napakaswerte mo anak napakabait na bata niyang si Darius" sabi ni Daddy

"Swerte po kami sa isa't isa daddy" ngumiti ako

"Lumalove life na anak ko" sabi ni Daddy

Tinawanan lang namin siya pero napansin ko si Zack para walang imik ang tahimik masyado. Hindi ko na lang siya pinansin baka may iniisip. Nang matapos na kaming kumain ay nagpahinga lang ng konti sila Lia at Zack bago nagpaalam na aalis na sila.

"Tita, alis na po kami salamat sa pakain" sabi ni Lia

"Ako din po, tita. Pwede makahingi ng take out?" biro ni Zack "Joke lang, tita. Sige una na po kami ni Lia" nagbeso siya kay mommy

Hinatid ko sila hanggang gate.

"Ingat sa pag uwi kamusta niyo ko kila tita" sabi ko.

Sumakay na sila sa kanya kanyang sasakyan. Pumasok na ako sa loob at umakyat na sa kwarto ko. Nagtext sa'kin si Darius na kung pwede ba daw kaming magkita mamaya.

Darius:
Hey what are you doing?

Aisha:
Just chillin

Darius:
Can we meet up later?

Aisha:
Oo naman saan?

Darius:
Doon sa clubhouse kung saan tayo nagkita dati

Aisha:
Okay noted tutulog muna ako antok ako e

Darius:
Sleep well baby

Pinatay ko na yung phone ko at umayos ng higa. Maya maya lang ay nakatulog na ako. Nagising ako alas tres na ng hapon naligo ako ay nagbihis. I'm wearing a loose shirt and a jagger pants I paired it with a white sneakers. Text ko si Darius na tapos na ako mag ayos. Bumaba na ako nagpaalam ako kila mommy at daddy.

"Makikipagkita lang po ako kay Darius" sabi ko

"Ingat anak ah pahatid ka na lang pauwi" paalala ni Daddy. Tumango lang ako at hinalikan sila sa pisnge bago umalis.

Naglakad na ako papuntang park kung saan kami magkikita ni Darius. Nang makarating ako dun natanaw ko agad siya, kinawayan ko siya.

"Hello" nakangiti kong bati

"Wow fresh bagong ligo" pang-aasar niya

"Parang ikaw hindi naligo ah" singhal ko sa kanya

Tinawanan niya lang ako. Hinawakan niya yung kamay ko at nagsimula na kaming maglakad.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko

"Maglalakad lakad gusto lang kita makasama" nakangiti niyang sabi niya sakin

"Ikaw ah" tukso ko pa

Naglakad lakad lang kami hanggang makalabas na kami ng village at pumuntang convenient store. Bumili kami ng ice cream at snacks. Nagpahidan na naman kami ng ice cream sa mukha ending super lagkit. Tawa lang kami ng tawa hanggang sa napagdesiyunan na naming umuwi.

SAIL WITH ME (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon