Chapter 15

11 3 0
                                    

CHAPTER 15

Next week ay aalis na kami ni Darius para magbakasyon sa cruise ng 1 week. Pahinga ganon.

Nag-iimpake na ako ng damit ko. Para hindi ko na poproblemahin. Nalagay na rin ako ng swim wear ko. Pati mga essentials nilagay ko na rin. Alam ko namang kompleto ang cruise ships sa lahat ng kailangan namin, pero mabuti na 'yong sigurado.

Pagkatapos kong mag-impake ay pupunta ako sa company namin. Hindi pa ako magsisimula ngayon, dahil nga aalis kami ni Darius next week. Ang panget naman kasi kakasimula ko pa lang aalis agad, kahit na magulang ko ang may-ari ng company dapat pantay-pantay lang ang treatment. Start from the beginning hindi asa taas agad.

Sumakay na lang ako ng jeep papunta roon. Binati ako ng guard nginitian ko naman siya.

Sumakay ako sa elevator papunta sa office ni Mommy at Daddy. Nang makarating na ako sa floor na iyon ay dumiretso na ako sa office ni Mommy.

"Hi Mommy" bati ko hinalikan ko siya sa pisnge.

"Napadaan ka anak" sabi ni Mommy

"Ah gusto ko lang po makahingi ng manual para mapag-aralan ko na po. Next next week pa naman ako magsisimula e" sabi ko

"Sige, anak bigyan na lang kita ng pwede mong aralin" sabay bigay sa'kin ng mga folder.

"Thank you, Mommy" sabi ko. Binulak ko yung binigay niyang mga folder

"I'm so proud of you ikaw na ang magpapatakbo ng kompanya, kapag wala na kami ng daddy mo" nakangiting sabi ni mommy

Bigla akong nalungkot paano kung wala na sila? Paano na ako sino masasandalan ko?

"Mommy wag kang ganyan syempre makikita niyo pa ako na magkaron ng anak" sabi ko

"Sure ko anak magiging maganda lahi ng apo ko" nakangiting sabi ni mommy

"Mommy naman" I pouted

"Bakit ganda ganda ng genes mo at ni Darius anak" natatawang sabi ni mommy

Ngumiti ako at nag imagine na masaya kami ni Darius at may mga anak. Ang saya namin.

'Advance ako mag-isip bakit ba?'

"Pero kung hindi naman namin maabutan yun anak proud na proud ako sayo" sabi ni mommy

"Bakit naman mommy?" naguguluhan kong tanong

Umiling lang siya. Ang weird ni mommy hindi ako sanay. Tumawag si Darius na nasa asa lobby na daw siya.

"Mommy, asa baba na po si darius alis na po ako" humalik ako sa pisnge niya at lumabas na ng office niya. Nang makababa sa lobby ay sinalubong ko ng halik si Darius.

"Miss mo ko 'no?" birong sabi ni darius

"Lagi naman e" I hug him. Natawa siya sa ginawa ko

"Tara kain tayo isaw" sabi ni Darius

"Wala pang isaw ng gantong oras" sabi ko

"Edi magmall na lang tayo bili tayo swim suit para sa vacation natin" he wiggled his brows

"We don't have too meron na akong swim suit, pero sige mall tayo" sabi ko

Sumakay kami sa kotse niya at nagdrive papuntang mall. Kumain muna kami bago pumunta kung saan saan.

"This one did you like it?" I turn around para makita niya yung kabuuan ng sinukat kong damit. It is a knee length dress.

"I like it" nagthumbs up siya.

Pumasok ulit ako sa fitting room at magsukat ulit. This time a dress na kita ang side boobs at cleavage ko. I want to see his reaction with this dress. Lumabas na ako ng fitting room.

SAIL WITH ME (On-going)Where stories live. Discover now