Chapter 12

15 4 0
                                    

CHAPTER 12

Suot ko ang coat ni Darius, dahil nilalamig na ako kaya nang matapos ang party ay hinatid ako ni Darius sa hotel room ko. Nauna nang pumasok sa kanya-kanyang kwarto sila Zack at Lia.

"Salamat sa paghatid dito" sabi ko

"Nangako ako kay tita na akong bahala sayo dapat lang ihatid kita" sabi niya

Kumatok na ako at binuksan ni mommy yung pinto.

"Andyan na pala kayo tara, iho pasok ka muna" yaya ni Mommy kay Darius

"'Wag na po, tita. Hinatid ko lang po si Aisha" sabi niya pa "Sige po una po ako. Goodnight" paalam niya.

"Goodnight din" sabi ko. Umalis na siya at pumasok na kami sa loob.

Hindi na nagpakwento si Mommy dahil alam niyang pagod na ako. Umupo ako sa kama at tinanggal ang heels na suot ko si Mommy naman ay hinanda ang pampaligo ko. Pagkatapos ay kumuha siya ng make up remover at tinanggal yung make up ko.

"Maligo ka na pagkatapos nito" sabi ni Mommy. Tumango lang ako. Kumuha siya ng robe, dahil hinubad ko na yung dress ko pinatong niya yung dress sa sofa.

"Sige na anak maghilamos ka na at maligo alam kong napagod ka" sabi sa'kin ni Mommy.

Pagkapasok ko sa banyo ay naghilamos ako para matanggal yung mga natitira pang make up. Nilublob ko ang sarili ko sa bath tub na mainit ang tubig. Nakakaginhawa sa katawan nagtagal ako doon bago lumabas. Nagsepilyo muna ako bago lumabas.

Pagkaabas ko ay nakahanda na ang susuotin kong pantulog. Pagkasuot ko nun ay tumabi na ako kay Mommy. I hugged her and kissed me in the forehead.

"Goodnight, Anak sweetdreams" hinaplos niya ang buhok ko hanggang sa nakatulog ako ng mahimbing.

Kinabukasan umuwi na kami si mommy ay sa bahay, kami naman ni Lia ay sabay umuwi sa condo. Si mommy na ang nag uwi ng dress, coat at mga napanalunan ko kagabi.

Nagpahinga lang kami ni Lia buong maghapon, dahil nga pagod-pagod kami kahapon 'di pa sapat yung tulog namin kagabi. Lumalabas lang kami ng kwarto para magluto at kumain, pagkatapos ay papasok na ulit sa kwarto.

Nakahiga lang ako sa kama at naglalaro lang ng phone nang may magtext.

Darius:
Alam ko na consequence mo

Aisha:
Ano?

Darius:
Clean my condo

Aisha:
Taray mo ano ako janitor?

Darius:
Natalo ka sa pustahan natin sundin mo yan

Aisha:
Oo na susundin na mukha kaya kayong alien malalabo lang mata niyo

Darius:
Perfect 20 pa ang vision ko Aisha

Aisha:
Kailan ko gagawin yung paglilinis ng condo mo?

Darius:
Tomorrow

Aisha:
Okay

Bwiset na 'to ginawa pa akong janitor, matibay. Sa inis ko ay natulog na lang ako.

Kinabukasan ay maaga ako nagising, kaya ako na ang nagluto ng breakfast namin ni Lia. Hindi ko na siya ginising kasi hindi naman talaga kami nagsasabay pumasok. Sumakay na ako ng jeep papuntang school. Pumasok na ako sa klase ko at nakinig sa prof namin.

Last class ko na 'to sa morning class, meron pa akong isang klase mamayang hapon. Nang matapos yung klase nagtitilian yung mga kaklase ko sa labas. Niligpit ko muna gamit ko bago lumabas ng room.

SAIL WITH ME (On-going)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz