Chapter 1

45 3 1
                                    

Busy akong nakikinig sa klase dahil nalalapit nanaman ang exam week namin


Dalawang araw pamandin akong absent nung nakaraan dahil dumating ang mga magulang ko galing Canada


At bukas na bukas naman ang balik nila muli sa Canada. Mag isa nanaman ako sa bahay


Ako si Nicole, Lopez. Grade 10 student dito sa Land High University.


Mag isa lang akong anak ng mga magulang ko kaya wala akong nakakasama kapag iniiwan ako ng mga magulang ko sa bahay


Okay lang sakin dahil nandyan naman si lola na dumadalaw parati at ang mga tito at tita ko.


"Nicole, birthday ko sa sabado" Bulong ni Callie. Ang bestfriend ko


"Yes I know duh? makakalimutan ko ba'yan?"


"Yan gusto ko sayo eh" Ngumiti siya tyaka lumapit ule "6pm ha sa bahay" Sambit niya at umayos na ng upo


Masyadong strikto 'tong teacher namin ngayon kaya lahat kami tahimik lang at nakikinig.


Eto na ang last subject namin sa morning class at dahil Wednesday ngayon, half day lang kami pero ang afternoon ay time namin para sa practice, review at pag gawa ng project. Hindi pwedeng lumabas ng campus

Mabilis lang ang oras kaya mabilis natapos ang klase namin. Napag usapan na namin ni Callie na sa Jungle kami mag lulunch


Lunch naman kaya open ang gate ng school. Malapit lang ang jungle sa school namin actually katabi ngalang niya eh

Malamig kasi sa jungle at maliwanag at napakalinis din ng mga pagkain at tubig nila


"Bwisit nayan oh" Sambit ko ng mabunggo ako ng mga studyanteng nag uunahan lumabas sa gate


"Sorry po ate" Sambit naman nung babaeng kasama niya


"Girl? init ulo natin dyan ha" Sambit ni Callie habang hinahanap ang ID sa bag niya


"Pano ang lakas ng bunggo parang sinasadya lang"


Tunawa siya at sabay naming iniwan ang ID namin sa Guard House.


Kada lunch kasi ay kelangan iwanan ang ID para siguradong babalik kami ng Afternoon class


Nag lakad na kami ni Callie papunta sa Jungle at madami nga kaming kasabay na nag lalakad papunta dun


Nag hanap na kami agad ng mauupuan at mabuti nalang may mga bakante pa sa 2nd floor kaya hindi kami nahirapan mag hanap


Iniwan namin ang mga bag namin at dinala ang wallet and phone saka muling bumaba para mamili ng pagkain


Self service ang food dito pati ang water


"Balita ko si Ichiro bumalik nadaw dito sa pinas" Sambit ni Callie


"Saan mo naman nabalitaan? diba kakaalis lang niya nung isang bwan?" Sambit ko at nag bayad na sa babae


Sabay namin kinuha ang pagkain naming nakalagay sa tray

"Bakasyon lang naman ginawa nung lalakeng 'yon dun"

Si Ichiro ang kaibigan namin ni Callie. Half japanese siya pero dito na siya pinanganak sa pinas kaya puro ang pag tatagalog niya

"Okay na 'yon. Makakasama siya sa birthday mo" Sambit ko tyaka umupo sa pwesto namin

"Ininvite ko na siya kahapon pero hindi padin nag rereply sa message ko" Malungkot na sambit ni Callie

Si Ichiro kasi ang Boy Bestfriend niya. Pero nung umalis papunta japan si Ichiro ay wala ng balita si Callie sakanya

Kumain na kami at muling nag kwentuhan pa.

Napansin kong may lalaking nag aabot ng tissue. Siguro isa to sa mga trabahador dito sa Jungle

Dahil sa wala kaming tissue na nakuha sa baba kanina tinawag ko yung lalake

"Ahm kuya!' Tawag ko at agad naman siyang lumingon. Nagulat pa siya at muling napalingon sa mga lalaking kausap niya kanina

"Girl sinong tinatawag mo?" Tanong ni Callie

Hindi ko na siya nasagot dahil agad na lumapit yung lalake na may hawak na tissue

"Kuya pwede bang humingi ng tissue? nakalimutan kasi naming kumuha kanina sa baba" Mabait na sambit ko

Naramdaman ko namang tinatadyakan ako ni Callie sa baba ng table namin

"Bago kalang ba dito? ngayon lang kasi kita nakita" Sambit ko muli pero ngayon mas lumakas ang sipa ni Callie

"Aray! Callie ano ba?!" Sigaw ko sakanya at inirapan siya saka binalik ang tingin sa lalake

"Ah yes bago ako dito Miss. At eto napo ang Tissue ninyo" Sambit ng lalake

Nginitian ko siya at inabot ang tissue niya. Nagulat ako ng biglang naging flower ang tissue na inabot sakin

"Sana ay mapasaya ka ng tissue nayan" Sambit niya at nag bow kunyare saka bumalik sa mga lalake kanina

"What the heck? magagamit ko ba pang punas 'to?" Reklamo ko pero mukang si Callie lang ang nakarining nun

Pero diko padin nakakalimutan ang ginawa niyang pag sipa sipa sakin

"Hoy bakit moko inisipa? baliw kaba?" Sambit ko at iginilid ng Tissue na hugis rose.

Ang cute.

"Baliw kaba? hindi naman trabahador 'yon dito' Mahinang sabi ni Callie at nag mamadaling mag ayos ng gamit

"Tara na halikana bago pa tayo pag tripan ng mga lalaking 'yon" Sambit niya

"Ha? namimigay siya ng tissue at alam mong may mga tauhan dito na namimigay talaga ng tissue" Sambit ko

"Tissue ma'am?" Sambit ng naka brown tshirt na babae.

"Ganyan ang suot ng tauhan dito" Pilit na sambit ni Callie saka inabot ang tissue na binibigay ng babae

"Si Cj yung kanina. Hindi mo ba siya kilala?" Sambit niya muli at pilit na hinihila ako

Napansin kong paalis na ang mga lalake kasama yung lalaking nag bigay ng tissue na rose sakin

"Hindi. Sino ba sila?" Sambit ko habang nakatingin sa lalaking nag abot sakin ng rose kanina

Matangkad siya, Gwapo, maputi, may dimples, makinis ang muka pati ang buhok niya maayos tignan

"Ewan ko sayo eh mapapahamak pako sa pinag gagagawa mo Nicole" Sambit ni Callie at tumayo na para tuluyan ng umalis pero pinigilan ko siya

"Pwedeng wait? hindi pako nakakaayos oh" Sambit ko at naiirita na nga siya sakin na parang takot na takot

Nag lakad na ang mga lalaki sa gilid namin kaya walang nagawa si Callie kundi umupo muli at hintayin ako

Bago pa makaalis ang lahat. Biglang sumulpot ang lalaking napag kamalan kong tauhan dito

Umupo siya sa harapan ko katabi ni Callie. At si Callie naman nag kunyaring busy sa pag gagamit ng cellphone niya

"Hi. Im Carl Justine" Sambit ng lalake

Nakauniform na siya ngayon pero bukas ang mga botones ng uniform niya kaya kitang kita ang damit niyang white

Bago pako sumagot ay muli siyang nag salita

"Kaninang trabahador ako pinansin mo'ko pero ngayong studyante nako halos ayaw mo mag salita"

"Excuse me" Sambit ko "Anong gusto mong gawin ko? mag pakilala din ako?" Sambit ko

"Hmm. Hindi na kailangan dahil kilala naman kita" Sambit niya tyaka tumayo para umalis na pero muling nag salita pa

"Mag aapply ako bilang tauhan dito para araw araw mokong tawagin kahit kuya pa" Sambit niya at tuluyan ng umalis

Wtf? is he okay? o nahihibang na siya? luma na 'yong ganon style! ang baduy

Yuck!

"Huy okay kalang?" Napansin kong inaalog nako ni Callie

"Is He okay? narinig mo ba 'yong sinabi niya?" Sambit ko kay Callie

"Yes. By the way siya si Carl Justine, Santiago. Basketball player yan at sikat na sikat yan sa school pero dimo kilala? ayos ha"

So sikat siya?

Hindi siya sikat dahil hindi ko siya kilala at ako nga tong kilala niya.

Goshh! pero nakakahiya napag kamalan ko siyang tauhan dito sa jungle. Parang ayoko na kumain dito

Argh!!!

Nakakairita 'yong muka niya!!!

Afraid to fall in loveWhere stories live. Discover now