Chapter 5: Exchange of what she did

Beginne am Anfang
                                    

"Oy,miss anong nangyayari?" niyugyog ko pa sya pero wala parin.Nagulat nalang ako dahil may dugo sa gilid nya.M-may saksak s-sya.

D-di pwede to,please Eryn wag kang magpadala sa phobia mo,kailangan mong iligtas tong babaeng to!

Agad ko syang inakbay sakin at tinulungan.

"Wag kang mag-alala miss,ihahatid kita sa clinic" sabi ko at nagsimulang naglakad.

*Ay shiaa,diko pala alam ang daan papuntang clinic

Di bale,magtatanong nalang ako.Kahit nahihirapan ay binuhat ko sya sa likod at papatakbong nagtanong sa isang estudyante.

"Kuya,san po ang malapit na clinic dito?" mabuti nalang at agad na tinuro ng lalaki saka sinamahan ako.

"Nurse! Nurse!" Pagsisigaw ko na agad ikina-alarma ng mga tao sa loob.

Agad kong binaba yung babae sa patients bed at pina-ubaya na sa mga nurse yung pasyente.

Marami na silang ginawa dun sa babae na tanging mga nurse lang ang nakaka-alam.

Napa-upo nalang ako at napabuntong hininga.Tinanggal ko yung jacket ko na may dugo at sinubukang titigan yun pero walang nangyari.

Hula ko ay saka na ako nahihimatay pag sariling dugo ko ang nakikita ko kaya siguro madali kong na-control yung sarili ko nung nakita ko yang  babae ay dahil sa kanya yung dugo at hindi sakin.

Ang tanong san nya nakuha ang sugat na yun?

Nilapitan ako ng nurse kaya tumayo ako.

"Miss? Alam nyo po ba kung anong nangyari at bakit sya nagkaroon ng saksak?"agad akong umiling

"Di po,nakasalubong ko nalang sya nung dapat ay uuwi na ako at bigla po syang bumagsak sa balikat ko,nagulat na nga lang ako nang may dugo na sa bandang gilid nya kaya agad ko po syang dinala dito" tumango naman yung nurse.

"Since wala pa rito yung parents nya,maari mo ba muna syang bantayan at tawagin kami kung sakaling magising sya,maya-maya" wala akong choice kundi umoo.

Umupo ako sa tabi nung patients bed at itinuko yung siko sa bed hanggang diko namalayang napa-idlip pala ako.

Ramdam kong bahagyang umuga yung higaan kaya agad akong tumunghay.

"Hala! Miss sorry nagising ata kita" ngumiti ako.

"Tss...Okay lang,nagising kana pala,tawagin ko lang yung nurse--" agad nya akong pinigilang tumayo.

"Di na kailangan,tininingnan na nila ako kanina pa habang tulog ka" nanlaki yung mata ko.

"A-ano? Eh bakit dimo ko ginising nakakahiya sa mga nurse"

"Haha,Mahimbing kase yung tulog mo at sabi rin sakin ng nurse ,ikaw daw ang bumuhat sakin papunta dito"at hinawakan nya yung parehong kamay ko.

"Salamat po Miss ha!"

"Walang anuman yun saka kahit sino naman sigurong taong makikita kang ganun tutulungan ka agad,diba?" tumango naman sya.

Naputol yung pag-uusap namin ng biglang lumapit ang isang estudyante.

"You must be Eryn Gonzalez,right?" turo nya sakin at tumango ako,matagal kong na-realize na isa pala sya sa Higher Student Council,yung babaeng makapal ang make-up at may dala rin syang foundation.

"Our Head Principal want to talk to you" medyo maarte netong sabi kaya tumango ako at nag bow ng very,very slight.

Kaharap ko ngayon ang napakalaking pintuan kaya kinakabahang itinaas ko yung kanang kamay ko para kumatok.

"Just Knock on the door or i will knock your face" kunti nalang at masusuntok ko na sya sa muka dahil sa pagmamaldita nya kahit isa sya sa HSC na dapat igalang ay kaya ko rin syang patulugin gamit ang isang suntok ko.

"You are staring again like what you did earlier,you nerdy" kinalma ko nalang yung sarili ko at kumatok.

"Come in" tinulak ko yung pintuan at sinara rin pagkapasok ko.

"Have a seat" imenuwestra nya yung kamay nya sa upuan na kaharap ng lamesa.

"I heard what you did to my daughter"

"Po?"

"Yung pagtulong mo dun sa batang babaeng may saksak sa gilid,i mean" kaya napatango ako,so sya pala ina nung babae,tiningnan ko yung pangalan nya.

Magdalene Criselda---Head Principal

"Ah wala po yun,ginagawa ko lang po yung dapat kong gawin" at ngumiti ako ng sincere.

"And i also heard that you didn't pass sa entrance exam kanina" kaya tumango ako.

"I owe you the life of my only one daughter kaya as an exchange for what you did" may kinuha syang naka-celophane sa tabi nya at nilagay yun sa lamesa.

"I'm giving you a chance na magkapag-aral dito sa GFU with a full scholarship from Gillford group of Company"

U-uniform ng GFU? O-oh my god....

Feeling ko maiiyak ako sa tuwa.

"Welcome to GILLFORD UNIVERSITY Ms. ERYN GONZALES"

--------------------------💜-----------------------
UPNEXT CHAPTER 6 ABANGAN!

A/N: To all readers,I'm sorry sa wrong grahams (grammars) ,di pa naman ako ganun ka galing mag english or mag throw ng powerful punchlines na expected nyo kaya kung may mapansin kayong mali then correct me or correct it in your mind.Sa mga epic typo's,i'm sorry.
Hope you Enjoy💜

KEEP SAFE EVERYONE!

Meeting the Campus GangstersWo Geschichten leben. Entdecke jetzt