Epilogue

9.3K 348 99
                                    

Did you miss me? -Miyuri

¤¤ ¤¤ ¤¤

Tiningnan ko ang aking kapaligiran. Nakatayo ako sa sala habang kasama ang iilang babae na may iba't ibang ginagawa.

Pamilyar sa akin ang iilang mukha sa kanila lalo na si Jay, Crimson, at Jizelle.

"Damn it! I look so hideous." Biglang anas ni Crimson.

"Mabuti naman alam mo." Nakangiti na wika ng babaeng umiinom ng isang pulang likido.

"What did you say?" Naiinis na usal ni Crimson.

"Nothing." Pang aasar nito.

Balak na sana na lapitan ni Crimson ang babae na umiinom ng pulang likido ng may biglang pumagitna sa kanila na babaeng may tattoo sa may balikat.

"Calm down Crimson. Ikaw naman Highness huwag mo ng patulan baka mamaya mag away pa kayo."

Napaupo si Crimson sa upuan na malapit sa kanya at napasimangot na lamang.

"Why did you stop them, Zajia? Masaya sana na makita na may action sa bahay. It's really boring." Saad naman ng babae na meroong espada na nakasabit sa may bewang.

"Come on, Scarlett. We all know na hindi lang simple na pag aaway ang maaring mangyari sa kanila." Sagot ng Scarlett.

Tumango naman ang namumukhaan ko na si Jafthalia na nakaupo habang nakikinig sa kanila.

"True, both of them are troublesome." Pagsasangayon ni Jafthalia.

"Nakakalimutan ata ninyo na mas magulo ako sa kanila." Untag naman ni Jay na mayroon na malawak na ngiti.

"Tss. Troublemaker." Usal lamang ni Crimson.

Kahit naguguluhan ako ay biglang may nakaagaw ng aking pansin dahil sa narinig na hikbi. Lahat naman kami napatingin sa babae na umiiyak.

Hindi ko makita ang mukha nito dahil nakayuko ang babae. Pinapatahan naman ito ng babae na mayroong kulay puti ang iilang hibla ng buhok.

"Why are you crying?" Tanong ni Jizelle.

Umangat ang tingin ng umiiyak na babae at halos mapanganga ako ng makita ko ang aking sarili.

Hindi agad nakapasok sa aking isipan ang aking nakikita ng bigla pa na nagsalita ang nakikita ko na sarili ko.

"I miss Night." Anas ng kamukha ko.

Napangiwi ako sa aking narinig. Damn! Hindi ko naiisip na iiyak ako dahil na miss ko si Night.

Ano ba kasi ito na nakikita ko? Is this the future?

"We all miss our husbands, Miyuri." Saad naman ng babae na pinapatahan ang kamukha ko.

"I know, Margo. I just really miss him, ilang linggo ko na siyang hindi nakikita." Muling anas ng kamukha ko.

"Stop crying, Miyuri. Makikita lang naman natin sila ulit." Usal ng babae na kumakain.

I'm speechless. Ako talaga iyan?

"Let her, Valeria. Minsan lang natin makita ang umiiyak na Miyuri." Jay said na may malawak na ngiti.

Minsan ay nagtataka na talaga ako kung kaibigan ko ba talaga si Jay. Hindi ko alam kung ano ito na nakikita ko but i know she's enjoying na makita ako na umiiyak.

Seductive LoveWhere stories live. Discover now