Chapter 2

10.6K 418 87
                                    

"Seriously?"

Tumango naman ako kina Monique na ngayon ay nakatingin sa akin. Maging sila ay hindi makapaniwala na si Night ang kasama ko sa bahay

"Ano na lang ang magiging reaksyon ni Kuya Henry?" tanong ni Aly. "Baka umusok iyon kapag nalaman na may ibang lalaki kang kasama sa bahay"

"Oo nga, napaka protective pa naman niya sayo lalo na siya ang lalaki na kumuha sa first kiss mo" nakakalokong wika ni Tine

Naikuyom ko naman ang aking kamay ng maalala ang pagnanakaw niya ng unang halik ko. Tinulungan ko siya pero hindi ko naman akalain na kukunin niya ang first kiss ko

"Pero aminin na natin guys! Napakagwapo ni Silver. Para nga sa akin mas gwapo siya kaysa kay Kiyan. Silver is also hot as heck. Jackpot na din si Miyuri" saad ni Tine

"Bakit ba, Aly? Crush din lang naman ni Miyuri si Silver"

Nakatanggap naman ng batok si Tine kay Aly. Hindi naman na ako nagsalita at napaiwas na lamang ng tingin bago tinuon na lamang sa aming unahan ang pansin

Hindi na namin kailangan mag aral ng college. Nakapag aral na kami sa Zanvierng college thanks to Hm Tanya but gusto daw kasi nila ma enjoy ang pagiging normal na teenager

Nakarating kaagad kami sa aming classroom. Umupo naman ako sa may pinaka likod at tumingin sa labas. Napakabilis din pala lumipas ng mga panahon. Dati napaka normal lamang ng buhay namin pero ngayon may mga sekreto na kaming kapangyarihan

Mabuti na lamang dahil hindi nagtagal ay nag bell na agad. Umayos naman na kami ng upo habang ako ay kinuha ang gamit ko para sa una namin na subject

"Good morning, Sir!" bati ng mga kaklase ko

Agad naman akong napalingon sa aming harapan ngunit kaagad ko lamang na nahulog ang aking hawak na ballpen ng makita na naman siya

Maging si na Aly ay mukhang nagulat pero hindi ko iyon inabala. May pagaari na nga siya ng iba't ibang negosyo tapos teacher pa siya

Aba't strong din ang lalaki na ito, ha! Una hari daw siya ng kompanya niya tapos ngayon, prinsipe naman siya ng mga teacher?

Iba na ang trip n'ya.

Napakayaman na niya kung tutuosin para mag trabaho pa lalo na't siya ang may pinakamataas na posiyon sa kanilang mundo

His parent is the Emperor at ang Empress ng mundo nila and even though adopted lang siya ng kasalukuyan niyang magulang ngayon

Sa totoo lang kung iisipin ng iba ang Emperador na ang may pinakamataas na posisyon. Pero sa mundo namin it's better to think twice lalo na kapag kaming dalawa na ni Night ang pinag uusapan

The higher up give him the highest position. Katulad ko, siya ang namumuno sa buong mundo nila

His power is absolute. He rule over empire by empire, every single of it. It's amazing ng makita ko dati na yinukuan siya ng lahat na mga emperador

Lumipas ang oras na nakatingin lang ako sa kanya. Nakakunot parin ang noo ko kahit pa man ng nagpaalam na siya

Linapitan naman ako agad ni na Aly. "Hoy! Bakit ulit siya nandito?"

Nagkibit balikat naman ako ngunit mukhang narinig ng isang namin na kaklase ang tanong ni Aly na si Wenzy

"Huh? Kilala n'yo ba siya? He's been teaching us this past few months."

Hindi na lamang kami nagsalita at pumunta sa canteen. Hinayaan na din namin si Ethan at Enzo na bumili ng pagkain habang ako ay umupo sa bakanteng upuan

Seductive LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon