Chapter 14

9K 442 55
                                    

"Are you serious?"

Kagat labi na tumango ako sa tanong ni Monique. Lahat sila ay gulat na gulat na nakatingin sa akin pagkatapos kong sabihin ang nangyari kagabi

Nandito ako sa bahay ni Kuya Tyron. Halo halo ang emosyon ko kaya sila na lamang ang naisip kong makakatulong sa akin

"May nangyari talaga sa inyo? Hindi ka na V" ulit ni Ethan na nakatanggap ng batok kay Nova

Muli akong tumango dahilan para mapahilamos si Enzo sa kanyang mukha habang nagsalita naman si Monique

"Then the symbol, na kay Silver na ang symbol?!" ani nito na muling tinanguan ko

"Bakit ba ang dali mo bumigay? I'm not against it pero, what about your feelings to Kiyan?" ani naman ni Tine

"Anong feelings kay Kiyan? Mahal mo ba si Kiyan?" agad na tanong naman ni Cyrille

"No, i do not" agad na buwelta ko naman. "It's just that-"

Napayuko naman ako at hindi alam kung ano ang itutuloy sa aking sasabihin

"Look Miyuri, i know you" ani ni Monique. "Marami kang alam na bagay pero minsan sa pagdating sa pag ibig, you're turning stupid"

"Ang harsh mo naman Monique" komento ni Aly

"You said you love him pero parang panakip butas mo na lang si Silver" muling ani nito

"Iwan niyo muna kami" seryoso naman na wika ni Kuya Tyron

Wala naman silang nagawa kundi ang umalis. Umupo naman sa harapan ko si Kuya Tyron at hinawakan ang kamay ko

"Sis, tell me. Do you love him?"

Napatingin naman ako sa kanya na para bang bata. Paulit ulit na pumasok sa isipan ko ang sinabi ni Monique

"Kuya i-i don't know. I'm confused, Monique is right p-"

Bago ko pa man matapos ang aking sasabihin kaagad ng umiling si Kuya. Nakangiti siya at para bang alam na alam niya ang sagot

"Do you love Kiyan?"

"No"

"Do you love Silver?"

"Y-yes"

Lumawak naman ang kanyang ngiti dahil sa aking sinabi. Hinaplos niya ang aking buhok bago nagsalita

"Sis, i saw your relationship to Kiyan. Parati kayong magkasama, magkahawak kayo ng kamay o magkayakap but in your eyes, i never saw the word love. Yes, maybe you love him as a friend pero hanggang doon lang iyon. Kilalang kilala kita, alam mo ng ginagamit ka lang ni Kiyan sa una pa lamang at hinayaan mo na siya. That's because okay lang iyon sa iyo, wala kang nararamdaman na sakit. For you, masaya ka pa nga dahil nakikita mo na natutulungan mo si Kiyan" mahabang ani nito. "Kanina tinanong kita kung mahal mo si Kiyan and agad mong sinabi na no that because you knew already the answer"

"Kay Silver, alam mo na rin ang sagot. Nag dadalawang isip ka lang dahil sa sinabi ni Monique na panakip butas mo si Silver but as i can see it, it's a big no. Magiging panakip butas mo na lamang siya kung may nararamdaman ka talaga kay Kiyan"

Hinaplos nito ang aking pisngi at pinunasan habang sumeryoso naman ang kanyang mukha

"Kiyan saw Alisia in you while you saw Silver kay Kiyan"

Dahil sa kanyang sinabi ay napaderetso ang tingin ko sa kanya. "How?"

"Sis, i saw how you get attached to Silver. Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano mo pestihin ang buhay niya sa araw araw. Hindi mo siya tinatantanan noon at halos doon ka na tumira sa bahay niya. Nakalimutan mo na nga ata ako e"

Napatawa naman ako dahil sa sinabi niya muli naman niyang hinawakan ang aking kamay at tinapik iyon

"Sa tingin ko lang ng nakilala mo si Kiyan, naalala mo si Silver sa kanya. Sinubukan mong ibigay kay Kiyan ang mga atensyon mo pero ng nalaman mo na ginagamit ka lang niya, pinigilan mo na ang sarili mo"

"Deep within you, you already know the answer. Sadyang naguluhan ka lang sa sinabi ni Monique" anas niya "Now, let me ask you again"

"Do you love Kiyan?"

"No!"

"Do you love Silver?"

Napangiti naman ako sa huling tanong niya bago nagsalita. "Yes!"

Napangiti na rin siya sa aking sinabi. Yinakap ko naman siya na mukhang ikinagulat niya

"Thank you, Kuya"

Hinagod niya ang aking likod habang ramdam ko ang paggaan ng aking pakiramdam

¤¤ ¤¤ ¤¤

Magaan ang aking pakiramdam na papunta ngayon sa opisina kung saan may meeting si Night. Lahat ng aking nadadaanan ay yinuyukuan ako

Hindi pa man ako nakakaabot sa may pinto ng makita ko ang iilang men in black na may pinipigilan na babae

"Papasukin ninyo ako! Kailangan kong makausap si Silver!"

"Sorry ma'am pero bawal pong maistorbo si Sir"

Dahan dahan naman akong lumapit sa kanila at nagtanong. "Anong nangyayari dito?"

Napalingon sila sa akin na tatlo. Ang dalawang men in black ay yinukuan ako ngunit ang babae ay biglang hinugot ang baril na nasa bewang ng katabi niyang lalaki na men in black at itinutok sa akin

Nagulat naman ako doon pero mas lalo akong nagulat ng ang lahat na empleyado na kasama namin ay nagsipaglabasan din ng baril at itinutok lahat sa babae

"Ma'am Leona" bati ko ng makilala ang babae

"Ikaw!" sigaw nito sa akin. "Dahil sa iyo ay wala na akong trabaho! Silver fired me!"

Kumunot naman ang noo ko dahil sa kanyang sinabi. Bakit naman niya sa akin isisisi ang pagkawala niya sa trabaho?

"Ako? Paano ako nasali?" ani ko

"I don't know but Silver told me na dahil daw sa akin kaya ka nagkakalmot sa labi and fired me immediately. Ano ka ba niya? Maybe you sold your body to him"

"Enough Leona" narinig namin na wika

Lahat kami napatingin sa bumukas na pintuan at nakita si Night na nakasuot ng tuxedo

"Is firing you not enough?!" malamig na turan nito

"But Silver, she's the one who started it" wika ni Ma'am Leona at tinuro ako

"It doesn't matter whether my wife started it or not, it wouldn't change the fact that you insulted my wife" seryoso na ani niya

Kinuha niya ang baril sa katabi niyang men in black at itinutok niya iyon sa ulo ni Ma'am Leona na ikinagulat namin

Nagsimula manginig ang kamay ni Ma'am Leona habang ako naman ay dali daling lumapit kay Night bago hinawakan ang kanyang na may hawak na baril at umiling

"Don't" mariin na tugon ko

Nagpabalik balik ang tingin niya sa akin at kay Ma'am Leona na namumutla bago inalis niya ibininababa ang baril

"If that's what my wife want then fine"

Napailing na lamang ako sa kanya lalo na ng hinalikan niya ang aking pisngi na ikinangiti ko na lamang

"Silver, your wife?" naguguluhan na saad ni Ma'am Leona

Hinapit ni Night ang aking bewang at tiningnan si Ma'am Leona, maging ako ay nakangiti na nakatingin kay Ma'am Leona na ngayon ay nagtataka parin

"Yes, Miyuri Cy Zrais is my wife"

Seductive LoveWhere stories live. Discover now