Chapter 16

8.9K 431 99
                                    

Nakangiti akong nakatingin kay Sofia na nakayakap parin sa aking asawa. Hawak ko parin ng mariin ang kutsara na halos yelo nababalot na ng yelo

Alam ko na ang aking ngiti ay para bang lumalabas na nakakatakot. Pero hindi ko iyon pinansin at mas lalong idinikit ang tingin kay Sofia na ayaw bitiwan ang asawa ko

Hah! Mukhang nag eenjoy naman ang lalaki na ito dahil may yumayakap sa kanya na babae na malaki ang hinaharap

Nanliit na ang aking mga mata habang nakatingin sa kanila. Ang mga magulang naman ni Night na mukhang nahalata ako ay kaagad na nagsalita

"Silver, come with us. May gusto kaming sabihin sa iyo. Sofia, stay here!"

Napabitaw naman ng yakap si Sofia at tiningnan ako. Tinaasan ako nito ng kilay lalo na ng makilala niya ako

"Miyuri, long time no see" anas nito at lumapit sa akin

"Yeah, long time no see" mapait kong saad

Nagtitigan naman kami ng matalim habang si Night at ang kanyang mga magulang ay umalis na dito sa hapag kainan

Si Sofia naman ay linapitan ako muli habang nakangiti na binigyan ko din ng peke na ngiti

"Hanggang ngayon pala nakasunod ka pa rin kay Silver ko"

Halos masuka naman ako sa sinabi nito. Silver ko? Masyadong nangangarap naman pala ang babae na ito

"Masyado ka naman nanaginip, Sofia. Pati ang may asawa ay gusto mong patusin" nakangiti kong saad

Tumaas ang kilay niya. "Asawa?"

"Miyuri Cy Zrais, his wife" taas kilay na bigkas ko

Bigla naman itong tumawa ng tumawa. Para bang nagbibiro ako sa aking mga sinabi

"Don't make me laugh, Miyuri. Never na magiging kayo ni Silver"

"Really? Dahil kung ganoon ay mas imposible na maging kayo," Tumayo naman ako. "Ang sa amin naman ni Night, kung gusto mo talagang malaman, why don't you ask him. Ayaw kong magsayang ng oras sa mga katulad mo!"

"Aba't! Akala mo kung sino ka! I'm a goddess! You're just a piece dust"

Natawa naman ako dahil sa kanyang sinabi. "Hanapin mo ang pake ko!"

Bigla naman itong namula sa galit. Ang kanyang mga kamay ay nagkaroon ng mga yelo na pinatama niya sa akin

Napangisi na lamang ako habang nakatingin sa papalapit na mga ice spike. Pumitik ako dahilan para agad iyon mabasag

Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mata habang ako naman ay kaagad na nag teleport sa kanyang harapan

Sinuntok ko ang pader na nakalagay sa kanyang likuran dahilan para magyelo iyon na mukhang ikinagulat niya

Naging kulay violet ang aking mga mata habang itinataas ko ang aking kaliwang kamay upang ipakita sa kanya ang kakaiba kong kapangyarihan

"Go on. Fight me, let's see what you can do" nakangisi kong saad. "A goddess Vs the unknown, who do you think will win?"

Hinaplos ko ang pisngi niya at pinalamig ang aking mga kamay. Hinawakan ko rin ang iilang hibla ng kanyang buhok at pina yelo iyon

"What are you waiting for? Fight me"

Nanginginig na tiningnan niya ako sa mata bago tinulak kasabay ng pagbukas ng pintuan

Muli kong nginisian si Sofia bago nakangiting tumingin kay Night at sa kanyang mga magulang na nagbabalik

"What happened here?" ask Night

"Nothing" nakangiting wika ko

Nagsalubong naman ang mga kilay ni Night dahil sa aking sinabi pero binalewala ko lamang iyon at lumapit sa kanya

Hinawakan ko siya sa kwelyo at inilapit ang mukha sa akin na mukhang ipinagtaka niya

Hindi naman na ako nagsalita before kissing him sa kanyang labi. Alam ko na nagulat siya sa aking ginawa ngunit hindi ko iyon pinansin at tiningnan si Sofia na nanlalaki ang mata

I smirk again bago humiwalay sa halik namin ni Night. Si Sofia naman na mukhang gulat na gulat ay lumapit sa amin

"What is the meaning of this?" gulat at naiinis na wika niya

Yumakap ako sa bewang ni Night. "I already told you, he's my husband and i'm his wife"

"Totoo ba ito, Silver?"

"Yeah"

Natigil ito at napatingin sa mga magulang ni Night na tahimik na nakatingin lamang sa amin

"Tita, totoo po ba?"

"Yes" agad na sagot ng ina ni Night

"Matagal tagal na silang mag asawa, Sofia" saad naman ni Jay na kanina pa tahimik

"What?!" hindi makapaniwala na wika nito. "How did this happen? What about me, Silver?"

"What about you?" balik na tanong ni Night

Napatawa naman ako ng kaunti sa reaksyon ni Sofia. Mas lalo itong namula at para bang umuusok na ang ilong at tenga

Walang salita na umalis ito na ikinailing ko na lamang. Masyado kasing feelingera, kung hindi ko napigilan ang sarili ko baka kanina pa siya naging estatwa

"Mabuti pa ay magpahinga na kayong dalawa. Silver, go back and let your wife rest"

Tumango naman si Night at muling hinawakan ang aking mga kamay. Hindi pa man ako pumipikit ay kaagad na kaming nakabalik sa mortal world

Binitiwan ko naman ang kanyang kamay at agad na pumunta sa aking kwarto

"Miyuri! What's wrong?"

Mukhang napansin naman ni Night ang pag iiba ko ng mood kaya tinawag niya ako. Pero hindi ko siya pinansin, bahala siya!

Manigas siya! Alam ko na nagustuhan niya ang pagyakap sa kanya ni Sofia. May asawa na siya tapos magpapayakap pa siya. Nakakainis ha!

"Miyuri, talk to me!"

Hindi ko parin siya pinansin at kaagad kong sinarado ang aking pintuan pero dahil may kakayahan siyang makapag teleport ay kaagad siyang sumulpot sa likuran ko

Hindi ako nakapagsalita ng bigla niya akong sinandal sa pader at malambing na tiningnan

Hinaplos niya ang aking pisngi. "Baby, tell me what's wrong?"

"Wala! Pagod lang ako, Night" iniwas ko ang tingin sa kanya at tinulak tulak pa siya

"I'm not convinced, come on. Baby, please tell me"

"Sofia" mahinang bulong ko

Biglang kumunot ang noo niya.

"What about her?" he suddenly smirk. "Are you jealous?"

"Hindi! Umalis ka na nga!" agad na wika ko

Suddenly, he chuckles. I look at him and i saw how he stroke his hair before licking his lower lips

Hindi nawawala ang kanyang ngisi sa labi habang maigi na nakatingin sa akin ang kanyang magandang mata Shoot! How can he be so godly handsome?

"Hey! You don't have to be jealous. I'm yours"

Napatitig ako sa napaka gwapo niyang mukha na ngayon ay may malaking ngisi parin sa labi

"Don't play with me!" naiinis na wika ko

Hinapit niya ang aking bewang habang ako naman ay napakapit sa kanyang mga balikat

"I'm not, i'm yours and you're mine"

Tinitigan ko siya sa mata. "Promise"

He smile and nod.

"Promise"

After he said those words, he passionately kiss my lips again.

Seductive LoveWhere stories live. Discover now