Chapter 3

10K 549 269
                                    

( Jay Pov )

"Is it bad news or good news?' tanong ko kay Miss Lana.

Nagkibit balikat naman siya sa akin pero si Chief Dylan ay mukhang masayang masaya.

"Silver is having progress. Si Miyuri lang talaga ang nakakapagbigay ng emosyon sa kanya."

Napangiti naman ako sa aking narinig habang si na Ara naman ay napatawa na lamang.

"Trust me, Silver will be territorial." wika ni Chief Vanrick ng may masayang tinig.

Napailing na lamang si Sir Carl bago din magsalita. "It's given, simula naman ng makilala niya si Miyuri ng nagkaroon siya ng misyon sa mortal world ay unti unti ng bumabalik ang dating kulay ng mata niya."

"Which means the curse is weakening."

Lumawak ang aking ngiti bago napatingin sa larawan niya at muling nagsalita

"She's the unknown after all."

( Miyuri Pov )


Nakasimangot ako habang nakatingin sa aking notebook. Kulang na lang matunaw na ito sa kakatitig ko.

Bumuntong hininga ako bago nagpagulong gulong sa aking kama. Bakit ba napakahirap intindihin ang math?

Parati na lang hinahanap ang X na dapat ay kinalimutan na. Hindi ba marunong si math na mag move on?

"Aray!" untag ko ng mahulog ako sa aking kama.

Napakamot na lamang ako sa aking ulo bago tumayo ngunit bigla naman akong napangiti at agad na kinuha ang aking notebook.

Dali dali akong lumabas sa aking kwarto at lumipat sa kaharap kong kwarto na kay Night.

Hindi na ako nag abalang kumatok at agad na lamang na pumasok. Agad na bumungad sa akin ang malinis na kwarto. Bawat sulok ay ang amoy ni Night lang talaga ang maamoy ko.

Si Night naman ay nakaupo sa harap ng kanyang study table habang suot ang kanyang salamin.

"Night, tulungan mo naman akong hanapin si X." wika ko papalapit sa kanya.

He suddenly look at me, annoyed. Nakataas din ang mga kilay nito habang nakatitig sa akin.

"I thought you never had a boyfriend." usal niya. "Why would you find your ex?"

Napatigil naman ako at napatingin sa kanya ng may pagtataka. Siya naman ay nakataas parin ang kilay.

Magsasalita na sana ako ng ma realize ko na ang ibig niyang sabihin. Napatawa na lamang ko ngunit mukhang hindi niya iyon nagustuhan.

"No, ang ibig kong sabihin ay ang X sa math."

Napangiti na lamang ako ng biglang mamula ang kanyang tenga. Napaiwas din siya ng tingin bago bumulong na hindi ko naman narinig.

"Damn it!"

Muli naman akong naglakad papalapit sa kanyang direksyon at nakita na may pinipirmahan pala siyang mga papeles. Mukhang para sa kompanya niya iyon.

"Let me see." saad niya at hinablot ang notebook ko.

Habang tinitingnan niya ang notebook ko ay hindi ko mapigilan na hindi mapatitig sa mukha niya. Mukhang napakalambot ng itim niyang buhok habang mahahaba ang kanyang pilik mata.

Ang kanyang ilong ay matangos din habang ang kanyang mga labi ay mapupula. Sa kanyang simpleng pananamit lamang talagang makikita ng may maganda siyang pangangatawan.

Pero ang talagang napansin ko ay ang kanyang itim na mata. Hindi na ito katulad ng dati na sobrang itim para bang naging katamtaman na lamang iyon.

"Done."

Seductive LoveWhere stories live. Discover now