Chapter 9

8.3K 317 8
                                    

Bumaba ako sa Taxi at kasabay na naglakad papasok sa school ang aking kapatid na may malawak na ngiti

Ako naman ay walang reaksyon lamang na naglalakad hanggang sa classroom namin. Hanggang ngayon naalala ko parin ang nangyari kagabi at hindi ko mapigilan na maiinis

First time na may nag snob sa akin kaya tumatak talaga sa akin ang pangyayari na iyon

Umiling na lamang ako upang kalimutan iyon bago nagpaalam sa aking kapatid na hinatid ako sa aming classroom

"See ya" ani ko dito na tinanguan lamang ako

Dumeretso ako sa aking upuan kung saan katabi ko si Ethan at Enzo na childhood friend ko na agad naman na pansin ang mood ko

"Bakit nakasimangot ka? May ginawa ba si Kuya Henry sayo?" agad na tanong ni Ethan

Umiling naman ako habang nakasimangot parin. Naka badtrip kasi talaga ang lalaki na iyon. Ayaw mawala wala sa isipan ko ang pagbabalewala niya sa akin

"Tingnan niyo ito guys, parang baliw. Iiling tapos sisimangot" wika ni Ethan dahilan para lumapit naman si na Monique

Nangalumbaba na lamang ako habang masama ang tingin sa aking harapan ng bigla naman umupo doon si Cyrille katabi si Tine

"May problema ka ba?"

Muli naman ako umiling sa tanong ni Nova at tinuon lamang ang tingin sa harap

"Alam ko na! May nangyari na naman na hindi niya kayang kalimutan" biglang ani ni Tine

"Eh ganyan naman parati iyan tuwing may nangyayari na nakakahiya o kaya naman ung bagay na hindi niya kayang kalimutan" segundo naman ni Aly

"Tell us, may nangyari no?" nakangiti naman na ani ni Monique

Agad naman akong napaupo ng maayos at nagulo ang buhok. Gusto ko na ngang kalimutan pero ayaw naman ako tantanan ng mga ito

"Oo na, meroon" madiin na ani ko habang nakasimangot

Natatawa naman na nag apiran si Tine, Cyrille at Monique na para bang nasasayahan pa na tumama sila sa kanilang sinabi

"Do you mind sharing it?" Enzo said

Wala naman akong nagawa kundi ekwento sa kanila ng nakasimangot at habang kinukwento ko ay mas lalo lamang lumilinaw ang mukha ng lalaki sa isipan ko

Hanggang ngayon nakatatak parin sa aking isipan ang pagmumukha ng lalaki na iyon. Arghh! Pagnagkita talaga ulit kami, ewan ko na lang kung ano ang magawa ko

Napahalakhak na lamang si na Nova dahil sa aking na kwento. Tinapik tapik pa ni Monique ang aking balikat habang tumatawa

"Godness! That was actually nice" natatawang ani ni Ethan

"Ano naman ang nakakatawa doon?" tanong ko ng nakangiwi

Si Monique naman ang humarap sa akin habang meroon parin na ngiti sa kanyang labi

"Nothing. Kalimutan mo na lang iyon. Malay mo hindi na kayo magkita" an nito

Napailing na lamang ako bago nangalumbaba muli. Kailangan kong alisin ang dalang stress ng lalaki na iyon kagabi. Baka tama din si Monique, baka hindi na nga kami magkita

Ilang minuto pa ang lumipas ng mag bell na at ang biglang pagbukas ng pintuan. Kahit nakasimangot parin ako tumayo parin ako kasabay ng aking mga kaklase upang batiin ang aming guro

"Good morning Sir!" dinig kong ani ng aking mga kaklase

"Sit down" dinig kong ani nito ng malamig

Umupo naman ako ng hindi ito tinitingnan. Tulala lamang ako at para bang nanghihina. Kung may makakakita man sa aking ngayon baka isipin pang broken hearted ako

Seductive LoveWhere stories live. Discover now