Chapter 20

8.8K 434 102
                                    

Grammatical Error Ahead....

( Jay )


"Kuya Silver, kumain ka na. Maghapon ka na lang na nakakulong sa kwarto mo"

"Leave"

Nagkatitigan kami ni Ate Mae bago napabuntong hininga. Simula ng umalis si Miyuri kahapon hindi na siya lumalabas sa kanyang kwarto at parati na lamang umiiyak

Nagulat pa nga ako ng marinig ko siyang umiiyak. Kahit kailan ay hindi ko alam na kaya niyang umiyak

He's crying because Miyuri is gone.

Kung hindi pa sinabi sa amin ni Manang Silva baka hanggang ngayon ay hindi namin alam na kinukulong niya ang kanyang sarili sa kwarto

"Si-sige pero babalik ako mamaya"

Wala kaming nagawa ni Ate Mae kundi ang iwan na lamang siya at pumunta sa garden kung saan nandoon ang mga kaibigan ni Miyuri maging ang kaibigan namin

"Anong sabi niya?" kaagad na tanong ni Vanrick

Umiling lamang ako bago napabuntong hininga at tumabi kay Damon na hinagod lamang ang aking likuran

"Ayaw niya parin" tanging sagot ko

Napakamot sa batok si Dylan habang ang iba sa amin ay malalim ang iniisip. Hindi namin alam kung ano ba dapat ang gawin

Ayaw kaming makausap ni Kuya Silver. Hindi niya binubuksan ang pintuan. Gustuhin man namin mag teleport sa loob ng kanyang kwarto ay hindi namin kaya dahil natatakot kami. Baka mapatay niya kami ng wala sa oras

Nag aalala na kami sa kanya. Buong hapon ay hindi siya kumain. Wala akong ideya kung kinain niya ang ibinigay namin kanina sa kanya na pagkain

He's slowly killing himself.

"What should we do? Kuya Silver won't leave his room" saad naman ni Ate Mae

Bumuntong hininga si Vanrick. "For now let's understand him. Silver really love Miyuri and now she's gone, ang kaya lang natin gawin sa pansamantala ay ang siguraduhin na maayos siya"

Maging ko ay napabuntong hininga na din. Biglaan ang pagaalis ni Miyuri. Wala kaming ideya kung ano ang dahilan niya pero sigurado ako na si Sofia ang dahilan

Kahit isang bagay ay walang naidudulot ang babae na iyon na maganda. Parati na lang extra, masyadong tamad para humanap ng sariling love life dahil si Kuya Silver pa ang pinapakialaman

"Kailangan din natin makausap si Miyuri," untag ng kapatid ni Miyuri. "Yes, both of them need some time alone ngunit kailangan din nila na pag usapan ng mabuti ang kanilang problema"

Sumang ayon naman kami sa kanya. Kahit papaano ay kailangan din pag usapan ni Kuya Silver at ni Miyuri ang kanilang problema, kung ano man iyon

Para naman kahit papaano ay masagot ang problema nila. Hindi naman pwedeng tatakbuhan na lang nila iyon

"To add up, the higher ups won't be happy once they find out na nagmamahal si Silver ng isang babae na galing sa ibang mundo"

Napasimangot naman ako. "Isa na naman na problema"

"Yeah"

Bigla naman tumayo si Dixon at Race na ipinagtaka naman naming lahat. Mukhang may pupuntahan ang dalawa

"Grocery lang kami" mabilis na wika ni Dixon

"Alam ba ninyo ang daan?" tanong naman ni Ethan

Napahawak naman sa batok si Dixon at biglang umiling. Si Enzo naman na kanina pa tahimik ay tumayo

Seductive LoveWhere stories live. Discover now