Chapter 26

9.8K 410 132
                                    

"Come on, Miyuri. He's a former Headmaster. He can do it"

I look at Hm Tanya na kanina pa ako pinipilit na payagan ang aking asawa na maging headmaster ng Fantavian Academy

Aalis na kasi siya sa posisyon ng pagiging headmistress kaya ngayon naghahanap siya ng papalit sa kanya

Nalaman niyang former headmaster si Night sa Dawn Academy sa Cratidier since pinasa na niya ang kanyang psosiyon as a ruler kay Mae while Jay became the headmistress kaya ako ang binulabog niya ngayong umaga

"Hm Tanya, hindi ako ang tanungin mo. Ask my husband"

"Pero kailangan ko rin ng permiso mo dahil asawa ka niya"

Napabuntong hininga naman ako bago nakapamewang na hinarap si Hm Tanya

"I didn't marry Night para magdesisyon sa buhay niya. My husband have the freedom to decide on his own, i don't control his life"

Bigla naman napangiti si Hm Tanya. Napatango tango pa ito before she pat my head na ikinasimangot ko

"Ok. I'll ask him" aniya

"Good" anas ko

Balak ko na sana na maglakad papalayo ng biglang pumasok ang aking mga kasama ngunit kaagad akong napatakip ng aking ilong ng maamoy ang nakakasuka na pabango

"Bakit ang babaho ninyo?" untag ko

Natigil naman sila at napatingin sa akin ng may pagtataka. Inamoy pa nila ang kanilang mga sarili at mas lalong napakunot noo

"Huh? Mabango naman kami ah. Kakaligo lang namin" sagot ni Six

Napangiwi naman ako at humakbang paatras. Hindi ko talaga gusto ang amoy. Mas lalo pa akong nainis ng makita si Dominique

"Bakit ang baho mo?" naiinis na tanong ko

"What?" bulalas ni Dominique

Halos napahagalpak naman sa tawa si na Chad at Six habang nakaturo kay Dominique na namumula habang naiinis na nakatingin sa akin

"What is your problem, Miyuri? Ako na lang parati ang naamoy mo?" naiinis niyang wika

Umiling naman ako. "I don't know, ayaw ko lang ng amoy mo. Mabaho talaga e"

Dominique rolled her eyes at umupo sa pinakamalayo na upuan habang nakasimamgot parin

Muling bumukas ang pintuan at pumasok ang aking asawa. Napangiti naman ako at ng lumapit siya sa aking direksyon ay kaagad akong yumakap sa kanya na parang bata

Magsasalita naman ako ng muli na naman magsalita si Hm Tanya habang nakatingin sa amin

"Silver, can you become the Headmaster of Fantavian Academy?" kaagad na tanong ni Hm Tanya kay Night

"Yeah" simpleng sagot ni Night while i just smile

Mukhang napansin naman ni Hm or should i call her Tita Tanya ang pagbabago kaagad ng aking mood

"Pansin ko lang, Miyuri. You're being clingy this day. Ayaw mo sa amoy ni Dominique pero gustong gusto mo kay Silver" anas ni Hm Tanya. "Are you perhaps-"

Hindi na natapos ni Hm Tanya ang kanyang sasabihin dahil bigla akong nakaramdam ng hilo and the last thing i know, darkness eats me

"Miyuri!"

¤¤ ¤¤ ¤¤

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata ng maramdaman ang malamig na bagay na humahaplos sa tiyan ko

Tumingin ako sa aking kaliwang bahagi only to si Aly na ginagamit ang kapangyarihan niyang tubig at pinapaikot ikot sa aking tiyan habang umiilaw

Nandito din ang lahat ng aking mga kaibigan maging si Tita Tanya, Serafhina, Anathasia, ang mga gods, goddesses, my disciple, Crastine Angela, even my parents and Night parents

Seductive LoveWhere stories live. Discover now