Chapter 12

8.4K 354 34
                                    

Nakasuot lamang ako ng bikini habang nakatingin sa papalubog na araw. Ilang buwan na ang lumipas at nahuli na din namin kahapon ang hinahanap ni Night

Sa ngayon ay nagpapahinga na lamang kami at bukas ay aalis na din kami dito. Syempre kasama ko si na Monique maging si Night

"Wear this"

Napapikit naman ako ng tumama sa mukha ko ang mabangong damit ni Night. Agad ko iyon kinuha at inamoy, hindi pa ako nakuntento dahil yinakap ko pa iyon

Nakaka addict naman kasi ang amoy na nanggagaling kay Night. Dahil nagdadalaga ako, syempre may pagka malandi din naman ako sa katawan

Agad ko sinuot ang tshirt ni Night at napangiti na lamang ng makita iyon sa katawan ko

Tiningnan ko naman si Night na ngayon ay titig na titig sa akin. Katabi ko lamang siya kaya kitang kita niya ako

"May problema ba?" tanong ko

Agad naman itong napaiwas ng tingin habang namumula ang tenga. "N-nothing"

Napangiti na lamang ako ngunit agad naagaw ng atensyon ko ang iilang babae na malapit sa akin

Para bang isang putahe na tinitingnan nila si Night. Kaunti na lang maglalaway na ang mga ito

Inilipat ko naman muli kay Night ang tingin ko at ngayon lang napansin na wala na pala siyang suot na pang itaas

Ang nakakatakam na katawan nito ay nakabalandra lamang. Napasimangot naman ako dahil doon

Agad akong tumayo at umupo sa pagitan ng binti ni Night. Inihilig ko din ang aking katawan sa katawan ni Night habang kinuha ko ang kanyang dalawang kamay at iniyakap sa akin

Alam ko na nagulat siya sa aking ginawa at balak na sanang alisin ngunit mas lalo ko lamang hinigpitan ang pagkakahawak sa kanyang kamay

"Can we stay like this for a while?" i ask at tiningnan siya

Nagtagpo ang aming paningin, hindi ko alam kung ilang minuto kami nagtitigan basta ang alam ko ay napapikit na lamang ako ng hinalikan ni Night ang aking noo

"All right"

Lumawak ang aking ngiti at muling tumingin sa papalubog na araw. Naramdaman ko naman na mas lalong humigpit ang pagkakayakap ni Night sa akin

Ang puso ko ay para bang naghahabulan lalo na ng ibinaon niya ng kanyang mukha sa aking leeg pagkatapos ay bumuga siya ng hangin

Napapikit ako ng may ngiti sa aking labi at napahawak na lamang ng mahigpit sa kamay ni Night habang pinagsalikop naman niya ang aming mga kamay

Sa mga oras na iyon ay sabay namin pinanuod ang papalubog na araw habang magkayakap

¤¤ ¤¤ ¤¤

"Hindi ka ba sasama sa amin?" tanong ko kay Night

Umiling naman ito. "I have my own car and i still have another matter to fix"

Napasimangot naman ako sa sinabi nito. Kung wala sana siyang ibang gagawin baka sumama na lamang ako sa kanyang kotse pero katulad nga ng sinabi niya, may kailangan siyang gawin

"Okay, kita na lang tayo sa school"

Tumango naman siya at pumasok sa kanyang kotse at pinaandar iyon. Ako naman ay kumaway na lamang sa kanya habang papalayo ang kanyang kotse

"Tara na, Miyuri"

Ngumiti naman ako kay Tine bago pumasok sa Van na dala nila. Sa aming lahat ay si Enzo ang nagmaneho

Ilang oras ang lumipas sa aming pagbyahe na naging maayos naman ang lahat ngunit bigla na lamang akong nagulat ng biglang tumama ang van sa isang bagay

"Anong nangyayari?" tanong ni Cyrille

Seductive LoveWhere stories live. Discover now