Chapter 8

8.3K 327 0
                                    

Nakatingin ako ngayon sa aking kapatid na nasasayahan sa kanyang nakukuha na atensyon galing sa aking mga kaklase

He's standing beside the door looking proud by displaying his figure. I must say, my brother have the built and look but for me he just look so silly

Inayos ko ang aking mga gamit at nagpakawala na lamang ng malalim na buntong hininga

"I'll leave first" wika ko sa aking mga kaibigan na tinanguan na lamang ako

Naglakad naman ako papalapit sa aking kapatid na lalaki at agad na hinila ito gamit ang kanyang tenga

"Oww! Hey! Stop that, little sis"

Binalewala ko ang mga ibang estudyante na napapatingin sa amin na dalawa at pinagpatuloy lamang ang paghihila sa kanya hanggang sa makarating kami sa labas ng gate

Binitiwan ko naman ang kanyang tenga at pumwesto sa waiting shed na ilang layo lamang sa gate ng school bago tiningnan ang aking kapatid na namumula ng tenga

"Pwede ba hinay hinay lang sa paghila" biglang wika nito sa akin

"Para kang babae" saad ko dahil sa inaakto nito at pinara ang paparating na taxi

"What?!" nakataas na kilay na ani naman nito

Napangisi na lamang ako at agad na pumasok sa taxi habang siya naman ay sumunod na lamang sa akin

"Saan ka uuwi?" tanong nito pagkapasok sa taxi

Inayos ko ang aking pagkakaupo bago tumingin sa harapan at sinagot ang kanyang tanong

"Sa bahay, obviously" i stated na ikinangiwi naman nito

"Pilosopo" bulong nito na narinig ko naman

Gusto ko sanang tarayan ito ngunit pinigilan ko na lamang ang aking sarili at tiningnan siya

"Sa bahay ko, ako uuwi"

Napatitig ito sa akin ng seryoso at para bang sinisigurado kung totoo ba talaga ang aking sinasabi

"Are you serious? Kayo lang ni Manang ang magkasama doon" sabi nito sa akin ng may pagaalala

"I can take care of myself kuya" saad ko ng walang pagkabahala

Kumunot ang mga noo nito at para bang hindi kayang tukuyin kung nagbibiro ba ako

"You won't come back there, Magenta" madiin na wika niya

Napabuntong hininga naman ako dahil sa sinabi ng aking kapatid. Wala ba siyang tiwala sa akin?

"Kaya ko ang sarili ko. Calm down" seryoso na sabi ko sa kanya

Nagulo nito ang buhok at tinitigan ako ng seryoso. I can feel that he's irritated and worried at the same time

"How can i possibly calm down when your door wasn't even locked yesterday? Napakarami pang nawawala na mga teenager ngayon and your telling me na kaya mo ang sarili mo" he said with full of disbelief

I bit my lower lips dahil sa kanyang sinabi. Lahat naman ng sinabi niya ay tama and knowing him mukhang alam ko na ang susunod niya sasabihin

"Kuya i-"

"No! Starting from now on, kasama na ninyo ako ni manang sa bahay, ipapadala ko na lang kay manong ang mga gamit ko. That's final" matigas na wika nito

Napatitig ako sa kanya ng hindi makapaniwala bago napahilamos sa aking mukha. Hindi ko na siya pwedeng pigilan pa dahil mukhang seryoso na talaga siya

"Fine!" pagsusuko ko na lamang

Tumingin na lamang ako sa may labas ng taxi at tiningnan ang aming nadadaanan hanggang sa makarating kami sa amin

Si kuya na ang nagbayad ng pamasahe namin habang ako naman ay napatingin sa katabi ng bahay ko na isang blue na bahay

Meroon na mga iilan na lalaki ang nagbubuhat ng mga gamit at pinapasok sa loob. Ilang taon na din na walang nakatira sa bahay na iyan at ang alam ko ay ipinabibili na iyan ng may nagmaayari

Mukhang mayroon na bumili at ngayong araw lilipat. Mukhang mayaman din dahil sa isang tingin lamang sa mga kagamitan masasabi ng mga mamahalin

Napalipat ang tingin ko sa aking bahay na napakasimple lamang. Kahit papaano meroon itong pangalawang palapag at terrace. Ang kulay nito ay puti at kami lamang ni manang ang nakatira dito at ngayon ay tatlo na dahil dadagdag ang aking kapatid

Naglakad na ako papasok sa loob ng bahay at nagmano kay Manang katulad ng aking nakasanayan bago dumeretso sa aking kwarto at hinayaan na lamang ang aking kapatid

Naligo ako ng madalia at nagsuot lamang ako ng simpleng pajama at malaking tshirt na kulay blue bago humilita sa kama at nanood muna ng ilang movie

..Fast Forward..

Kakatapos pa lamang namin kumain ng dinner at gusto kong mag dessert ngunit wala naman sa ref and since meroon naman na 7 eleven na malapit sa amin napagpasyahan kong lumabas at bumili

Madali lamang ang aking mga naging hakbang hanggang sa makapasok ako sa 7 eleven. Agad ko din hinablot ang limang magnum na ice cream at pumunta sa cashier

Napangiti na lamang ako ng mabayadan ko ang aking ice cream at agad na nilantakan ang isa habang naglalakad papauwi

Sa aking pag uwi ay dahan dahan na lamang ang aking mga hakbang at ninamnam ang bawat kagat sa ice crean

I was enjoying my ice cream when suddenly i heard someone voice na nakapagpagulat sa akin

"Fuck this mosquito's" malutong na mura nito

Napalingon ako sa taong nagmura na iyon only to see a man wearing a pure dark outfit. Hindi ko makita ang mukha nito dahil sa dilim at dahil nearsighted din ako kaya ang ginawa ko ay naglakad ako dito ng dahan dahan

Habang papalapit dito ay unti unti ko din naaninag ang mukha nito hanggang sa hindi nagtagal nakita ko ang mukha nitong napakagwapo

I almost choke sa aking ice cream ng lumingon ito sa akin. Kahit man madilim nakikita ko ang magandang pangangatawan nito at ang pagkakunot ng noo nito

"Do you need help?" i ask habang hawak ang natutunaw kong ice cream

Ilang segundo ako nito pinagmasdan habang nakakunot parin ang noo ngunit hindi ako makapaniwala ng binalewala ako nito

What the- .

Dahan dahan akong napalingon ng hindi makapaniwala sa likod nitong papalayo. Ako na nga itong nagmamagandang loob pero dadaanan niya lang ako

Alam kong baka mababaw lamang iyon sa iba pero para sa akin that was very rude. I was about to give him help pero binalewala niya lang ako

Hindi ako nakatiis at agad na ibinato sa likod niya ang ice cream kong hawak. Agad naman itong napatigil at napalingon sa akin ng dahan dahan habang ako ay binigyan ito ng masamang tingin ng tuluyang makaharap

"Fuck! What do you want?" malamig na wika nito

Napapaypay naman ako sa aking sarili dahil sa kanyang sinabi. Hindi ako makapaniwala na may isang tao na katulad niya

"Nagmamagandang loob ako pero snober ka lang. Kung ayaw mo ng tulong ko sana kahit pag iling ng ulo ginawa. Napaka rude mo naman" ani ko dito gamit ang naiinis na boses

"I'm not in the fucking mood miss"

Napanganga ako dahil sa kanyang sinabi higit pa doon nagmumura pa siya. Napatitig din ako sa kanya ng mabuti at para bang para sa kanya ay wala akong kwentang kausap

Dahil sa inis agad naglakad na ako pabalik sa bahay ngunit ng madaanan ko siya agad kong sinampal sa dibdib niya ang isang ice cream bago nagsalita gamit ang boses na sarkastiko

"Kainin mo baka magka attitude ka pa, tsk!"

Pagkatapos kong sabihin iyon agad na akong nagpatuloy sa paglalakad pabalik habang ramdam ko ang aking inis

That guys just ruined my mood.

Seductive LoveWhere stories live. Discover now