Chapter 13

9.1K 444 98
                                    

Grammatical Error ahead

( Miyuri Pov )

The Present

"So?"

Nabalik ako sa realidad ng marinig ko ang boses ni Rage. Napatingin ako sa kanya ng deretso na ngayon ay nakatitig din sa akin.

Ano nga ba para sa akin si Night? I know to myself na i'm not only attracted to him, it's more than attraction.

Magsasalita na sana ng bigla na lamang natumba si Rage sa kanyang inuupuan. Napatingin ako agad sa taong naging dahilan at nakita si Night.

He look so furious and murderous. Para bang anytime ay makakapatay siya. Ang kanyang kamay at nakakuyom habang galit na galit siyang nakatingin kay Rage na nagdurugo ang labi.

"Night! What is your problem?" ani ko at balak na sana na lapitan si Rage ng bigla niyang hinablot ang aking kamay.

"You're fucking coming with me." mariin na wika nito.

Bigla na lamang niya akong hinila papalayo sa lugar na iyon. Mariin ang pagkakahawak ng kanyang mga kamay sa akin habang madilim ang kanyang mukha.

Agad niya akong ipinasok sa kanyang kotse bago sumunod na pumasok at kaagad na pinaandar ang kanyang kotse.

Buong byahe ay ramdam ko ang galit na nabubuo sa kanya kaya nanahimik na muna ako.

Ilang minuto bago kami nakarating sa bahay at katulad ng kanina ay hinila niya muli ako. Muntik pa akong mapa aray ng marahas ang naging paghila niya sa akin.

"Ano bang problema mo?"

Galit na isinandal niya ako sa pader ng makarating kami sa kanyang kwarto bago niya ako ikinulong gamit ang kanyang mga bisig.

"You? What is your problem?" mariin na ani nito. "You have the guts to come here with your ex lover, it's a fucking bar."

Tiningnan ko naman siya ng naiinis. "Ano bang pinagsasabi mo? Ex lover? Come on, Night! We both know na wala pa akong nakaka relasyon in my fucking 18 years of existence!"

"Really? What about him?" he ask darkly.

"He's a friend!" untag ko.

"A friend who will become your lover." wika niya naman.

"Are you serious?" hindi makapaniwala na anas ko.

Nasuntok niya ang pader at pagkatapos ay galit na tumalikod siya sa akin. Napahilamos pa siya sa kanyang mukha bago umupo siya sa kanyang kama at nakayuko na hinawakan ang kanyang mukha.

Ilang minuto kami nabalot ng katahimikan ngunit nakita ko ang pagtaas baba ng kanyang balikat.

Is he crying?

Bigla naman akong na guilty. Kaya lumapit ako sa kanya at lumuhod sa kanyang harapan.

Hinawakan ko ang kanyang dalawang kamay at inalis sa kanyang mukha at hindi nga ako nagkakamali.

Umiiyak siya, parang may tumusok naman sa aking puso ng makita ko siyang umiiyak.

"Hey, i-i'm sorry." ani ko.

Parang bata na tumingin naman siya sa akin habang patuloy parin siya sa pag iyak. Nagulat naman ako ng bigla niya akong yinakap habang patuloy parin sa pag iyak.

"I can't lose you, Miyuri. I almost lost you when you get comatose, i can't lose you now to him" ani niya. "Natatakot ako, i'm afraid to lose you."

Nakagat ko ang aking labi bago tumayo and sitting on his lap. Yinakap ko siya at hinagod hagod ko ang kanyang likod.

Seductive LoveWhere stories live. Discover now