Chapter 91 - Agony

1.5K 105 114
                                    

*Chris Jay' POV*

Andito ako sa balcony ng mansion. Habang kasama ko si Olaf.

Olaf ang naisip kong ipangalan sa baby cat namin ni Storm.

Pagkatapos naming magsalo salo sa kainan, at maayos ang lahat...

Naisip kong magpunta dito para magisip-isip.

Habang nakakalong sakin si Olaf, madaming tumatakbo sa isip ko.

Di ko mapigilang di magisip...

"Andito lang pala kayo." biglang rinig ko. Agad naman akong napatingin sa pinanggalingan ng boses.

Nakita ko si Storm na papalapit sakin.

Agad naman syang umupo sa tabi ko, binuhat din nya si Olaf.

"Halo, Olaf!

Mukhang nagde-date kayo ni Daddy Chris ah?" pagkausap nya kay Olaf.

Nakatingin ako kay Storm habang kinakausap nya yung pusa namin.

Dun ko napansin na napatingin sakin si Storm.

"May problema ba?" tanong naman sakin ni Storm.

"Wala naman po." simpleng sagot ko.

Nung sinagot ko yun, agad nyang nilapag si Olaf sa binti nya.

"Chris..." pagtawag sakin ni Storm.

Alam ko na kailangan kong sabihin sakanya, dahil nararamdaman ni Storm na may bumabagabag sa isip ko ngayon.

"Iniisip ko po kasi yung pag-alis mo...

Ngayon po kasi naging sure na aalis ka. Iniisip ko palang nalulungkot na ko." pag-amin ko.

Hinawakan ko si Olaf na naka-kalong sa binti ni Storm.

"Sorry po ah?

Di ko po kasi talaga mapigilang isipin. Sanay po kasi ako na lagi kang nandyan. Pero ngayon, 2 years kitang di makikita." dagdag ko pa. Bakas sa boses ko yung lungkot na dinadala ko ngayon.

"Chris, please...

Wag mo naman akong pahirapan. Nagdecide ako nun after nung nag Palawan tayo...

Narealize ko kasi na gusto ko masecure yung future nating dalawa...

Kasama si Olaf." sagot nya sakin.

Wala akong nagawa kundi ang yakapin si Storm. Nanghihina ako. Nalulungkot ako.

Bakit ba ganito ang nararamdaman ko ngayon? Dapat ready ako na aalis si Storm, pero ngayong sigurado na ang alis nya... Parang di ko kaya.

"Sayo ako kumukuha ng lakas para kayanin kong pumunta dun...

Kaya pag nakikita kitang ganyan, naiisip ko na baka mali yung desisyon kong pumunta dun." dagdag nya.

"No! Tama lang ang gagawin mo...

Hayaan mo, nabigla lang talaga ako kaya ganito ang nararamdaman ko. Pero support ako sa gagawin mong desisyon...

Pwede naman tayong mag video call everyday, para di natin mamiss masyado ang isa't isa...

Kaya natin to, Storm!

Andito naman si Olaf at Pj, kaya wag mo akong isipin...

Ikaw ang inaalala ko dun, daddy mo lang ang kasama mo. Pero hayaan mo, kahit magkaiba ang oras nating dalawa...

O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon