Chapter 43 - Remorse

6.6K 318 179
                                    

*Ivan's POV*

Nakaupo ako, habang nakatingin sa mga nagliligpit ng upuan.

Successful ang event...

Pero durog ang puso ko.

Isang tao lang ang tumatakbo sa isip ko...

Si CJ.

Tatlong kanta na ang kinanta nya para sakin...

At lahat yun, tumagos sa puso ko.

Yung mga lyrics ng kanta na parang palaso ng pana na tumama sa puso ko...

Na hanggang ngayon, naka-baon sa dibdib ko.

Nasasaktan ako...

Pero alam kong mas lalong nasasaktan at nahihirapan si CJ.

Gusto kong ipaliwanag at ipaintindi sakanya ang lahat...

Pero natatakot ako...

Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari.

Napasubsob nalang ang mukha ko sa palad ko dahil sa bigat ng nararamdaman ko.

Naramdaman kong may humaplos ng likod ko.

Tinignan ko sya.

"Bakit kasi hindi mo sabihin sakanya ang lahat?...

Para gumaan yang pakiramdam mo?" sabi sakin ni Sarah.

Sya yung girlfriend ko... Girlfriend nga ba?

"Masasaktan ko lang sy-" naputol yung sasabihin ko dahil bigla nalang sumingit si Sarah.

"Sa tingin mo ba ngayon...

Di sya nasasaktan?" sabi nya.

"Alam ko...

At yun ang pumapatay sakin...

Yung nakikita ko na nasasaktan sya...

Yung sa harapan ko mismo tumutulo ang luha nya...

Yung sakit na nararamdaman nya na ipinaparamdam nya sa pamamagitan ng kanta nya...

Yung alam kong dahil sakin kaya sya nasasaktan ng ganito...

Yung pakiramdam na pinagtatabuyan ko yung taong mahal ko...

Yung pakiramdam na pinakawalan ko sya...

Yung pinakawalan ko yung taong mahal na mahal ko...

Alam ko...

Pinapatay ko sya, pinapatay ko din ang sarili ko." kwento ko sakanya. Namumuo ang luha ko. Hindi ko mapigilan, pero siguro...

Bagay lang sakin ang sakit na nararamdaman ko.

"Alam mo ba, kung sinabi mo lang sakanya ang lahat...

Baka natulungan ka pa nya...

Baka nga masaya pa kayo ngayon...

Hindi ko din maintindihan ang sarili ko kung bakit pumayag ako sayo na magpanggap bilang tayo...

Pero siguro dahil kaibigan kita, kaya pumayag ako...

Pero yung nakikita ko na parehas kayong nahihirapan...

Parang ayoko na.?" sabi ni Sarah.

Hindi nya kasi alam ang lahat... Kaya nya nasasabi ang lahat ng ito.

Nagulat nalang ako dahil biglang may lumapit sakin at itinayo ako....

Bigla ko ding naramdaman na sinuntok nya ko sa pisngi. Natumba ko dahil sa gulat.

O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon