Chapter 70 - Insensitive

4.5K 181 67
                                    

*Chris Jay's POV*

"Friend, may yucky period feels ka ba?

Kanina ka pa iritang irita, ano bang meron? Di ka ba pinagbigyan ni SL kagabi?" tuloy-tuloy na sabi ni Axel sakin.

Di ko sya pinansin, dahil kanina pa sya dakdak ng dakdak. Ano bang bago sakanya?

"Nagsasayang lang ako ng laway sayo, Friend! Di mo naman ako pinapansin, mukhang red days ka nga." sabi pa nya. Itinigil ko tuloy yung pagbabasa ko.

"Ano ba? Wala ako sa mood makipagbiruan sayo!" irita kong sagot sakanya.

Bigla nya kong hinawakan sa balikat.

"Friend! Kalma! Kalma!

Di mo ko kaaway dito, nakakaloka to!" sabi naman nya.

Napairap nalang ako sakanya.

"Ano ba problema mo? May kaaway ka ba? Ano, sugurin na natin?" pabirong sabi nya sakin.

Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi nya sakin.

"T*ngina kasi yang Hannah na yan!

Ngayon ko lang narealize na nagkalat na pala ang mga ahas ngayon, at yung isa nasa classroom pa ni Storm!" pagsabi ko ng totoo kay Axel.

"Hannah? Sino yun? Who's that b*tch?" tanong agad nya sakin.

Inilapag ko nalang yung librong binabasa ko, tutal wala namang pumapasok sa utak ko kasi naiirita talaga ko kanina pa.

"Kaklase ni Storm, t*ngina nun! Wala pala ibang ginawa yun kundi landiin ang boyfriend ko!

Tong g*go ko namang boyfriend, hinahayaan lang! Aba! Mukhang tuwang tuwa pa syang nilalandi sya!" galit na sabi ko kay Axel.

Wala, kay Axel ko na nilabas lahat ng galit ko. Wala namang makakarinig samin kasi vacant namin at nakatambay lang kami sa pinagtatambayan namin lagi.

Pero mas lalo akong nairita kasi nakita ko pang nakangiti si Axel sa pinagsasabi ko.

"Iba talaga pagnagagalit at nagseselos ang boyfriend!" sabi nya. May kasama pang slow clap.

"The Legal Wife ang peg!" dagdag pa nya. Mas lalo tuloy akong nairita sakanya.

"T*ngina!" yan nalang ang nasabi ko. Alam mo yung galit na galit ka tapos bibiruin ka!?

Tumayo na ko at kinuha ko yung mga gamit ko.

"Oh? San ka pupunta? Hahahahaha! Binibiro lang kita. Tara, sugurin na natin yang Hannah na pinagseselosan mo. Hahahaha!" pang-aasar nya pa.

"T*ngina mo!" sabi ko pa sakanya tapos naglakad na ko palayo sakanya.

Naririnig ko pang tinatawag nya ko pero hindi ko sya nililingon.

Naglakad ako...

Hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Basta ang alam ko...

Gusto ko ng katahimikan!

Gusto kong umuwi pero parang ayaw ko pa kasi ayokong makita si Storm ng ganito ang nararamdaman ko.

Pero magbabago nga ba ang nararamdaman ko ngayon?

Hindi ko kasi mapigilan pero nagagalit talaga ko.

Oo! Alam ko na OA ako dahil kaklase lang naman sya ni Storm. Pero bakit ganun umasta yun?

Na parang umaasa sya na magkakaroon sila ng kung ano ang meron samin ni Storm ngayon.

O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon