Chapter 66 - Covetous

4.9K 216 76
                                    

*Chris Jay's POV*

"Kailangan mong sumagot sa mga itatanong nila, pwede kasi sila manghingi ng mga love advice."

Yan ang paliwanag sakin nung nag-aasikaso ng event na ito.

Jusmeyo, ano ba tong pinasok ko?! Parang nung nagmeeting kami, wala namang sinabi na ganitong segment.

Tsaka sino ba ang nagpa-uso ng may question and answer na magaganap? Sino ba nagsimula? Papatayin ko. Gigil nya si ako.

Dahil ba para sa Valentine's day tong event kaya ganun? Haay ewan.

Ano nang gagawin ko nito?

Pakiramdam ko, DJ ako ngayon na dapat sumagot sa mga tanong ng listeners ko.

Ako na ang susunod, pero parang gusto ko nalang magbackout.

Naglakad na ko.

Pakiramdam ko, hahatulan na ko dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko.

Di ako makatingin sa mga tao. Parang once na tumingin ako, lalamunin nila ko.

Cj, nagawa mo na to noon. Kaya mo ulit yun. Tiwala lang. Haaay!

Huminga ako ng malalim.

Parang naihi bigla yung kamay ko dahil sa sobrang pawis nito.

Di ko namamalayan na nakarating na pala ko sa mic,
"Hi Cj, kumusta yung puso mo?" bigla kong narinig.

Nanlaki yung mata ko, agad-agad yung tanong?

Kakapwesto pa nga lang e. Di pa nga ako kumakalma, agad-agad ka naman ate gurl!

"Umm...

Ano po ulit yun?" tanong ko. Sa gulat kasi, hindi ko naintindihan yung sinabi nya.

Nakita ko naman na nasa harap sya, nakatapat sa isang mic.

Wow ha? May mic talaga sa harap, parang wala sa pinagusapan to ah?

"Cj, kumusta yung puso mo? Nung last time kasi na kumanta ka, ramdam namin na may pinanghuhugutan ka." sabi nya.

Ay, grabe! Yan talaga tanong mo sakin?

Parang ang aga-aga, huhugot ako ah?

"Ayos naman yung puso ko. Mas ayos na sya kesa dati. Hehehehe." sagot ko. Honest ko dun ah?

Napangiti naman yung mga tao dahil sa sinabi ko. Marami talagang tao dito.

Pero sa dinami-dami ng tao, si Storm ang nakikita ng mata ko.

Nandun sya sa dulo, seryosong nakatingin sakin.

Eto yung dagdag sa kaba ko e, dahil alam kong nanonood at nakikinig sya sakin.

At gusto kong matuwa sya sa performance ko. Dahil sya naman talaga ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon sa stage.

"Maganda yan! Ibigsabihin, may nagpapatibok sa puso mo ngayon?" pang-asar na sabi nung babae sakin.

Guard!

Pakilabas po itong babaeng to.

Bakit ba ganito ang topic namin? Tsaka bakit ba tanong ng tanong yang babaeng yan?

Gigil mo din si ako ah!

Ngumiti ako, pero alam kong ngiting aso yun.

Tungunu! Papaaminin ba nya ko dito? Sa harap ng maraming tao?

"No comment po. Hehehe!" ang awkward talaga ng sitwasyon ko ngayon.

Agad naman akong napatingin kay Storm na seryoso paring nakatingin sakin.

O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon