Chapter 2 - The Crossover

14.4K 485 40
                                    

*Chris Jay's POV*

Nagaantay na ako ng Jeep, dahil papasok na ako sa school. Ang alam ko nga ako lang ang nag-aaral dun na nagpa-public transportation.

Teka? Bakit nandito to? Ang alam ko mayaman to ah? Bakit kasabay ko sya ditong naga-antay ng masasakyan? Haay, mukhang alam ko na ah.

Ang alam ko kasi, maraming hotel at motel dito sa lugar namin. At mukhang dun sya galing. Ang aga naman yata? Hahaha. Tumingin ito sakin, napatingin ako sa sapatos nya dahil nahihiya ako sa kanya. Bakit? Di ba dapat sya ang mahiya sakin dahil mukhang alam ko na kung san sya galing. Pero kasi yung tingin nya na daig pa yung laser ni Superman, ako tuloy yung nahihiya.

Teka, eto na yung sasakyan ko.

Sakto, medyo maluwag pa. Agad akong sumakay sa Jeep. Kasabay ko ding sumakay yung ka-schoolmate ko.

Hanggang sa may napansin ako.

Ramdam ko sya, ramdam ko sya na magkatulad kami. Pero iba sya, dahil masaya sya sa buhay nya.

May kung anong klaseng charm na meron sya. Yung charm nya na kahit sinong ngitian nya, mapapangiti nya din at mabubuo na ang araw nito.

Tumingin ito sakin, tsaka dun sa nakasabay ko. Tapos...

Teka?

Bakit parang ang sweet nung pagbulong nung katabi nyang lalaki sa kanya?

Nag-uusap sila na tanging sila lang ang nakakarinig, siguro sinasadya nila yun.

Nakikita ko sa mga mata nilang dalawa na merong namamagitan sa kanilang dalawa.

Hindi naman nalalayo ang hitsura nilang dalawa dahil parehas naman silang may hitsura. Gwapo yung lalaki na kasama nya at sya naman gwapo din. Maputi lang sa kanya yung kasama nya at matangkad kesa sa kanya. Oo, dahil maliit talaga sya. Hahaha.

Pero bagay naman sa kanya yung height nya, oooopppsss...

Nakita ko yun, Oo! Nakita ko yun.

Naghaharutan silang dalawa! Teka? Bakit parang nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko?

Mukhang alam ko na, dahil naiinggit ako! Oo, naiingit ako sa kanila. Hindi sa pagiging magboyfriend nila pero dahil sa pagiging masaya nila at malaya. Na kahit nasa 3rd sex sila, masaya sila. Na parang para sa kanila, walang makakapigil sa kaligayahan nila.

Magiging masaya din kaya ako gaya nila? Magiging malaya kaya ako gaya nila? May magmamahal kaya sakin? Ay, mali! Mali yung pangatlo kong tanong. Just forget it!

Parang nag-aasaran yung dalawa dahil parehas silang nakangiti. Pansin ko lang, yung maliit kita ko sa mga mata at ngiti nya na kinikilig sya tapos yung isa naman halos parang namamaga na yung mukha nya sa sobrang pula na. Alam ko na masaya sila sa isa't isa.

Hanggang sa tumigil sila sa paghaharutan dahil napansin yata nila na marami na ang nakatingin sa kanila.

Nakita kong tumingin sakin yung maliit, oppss. Napatingin ako sa sapatos nya.

Bakit ba ganito ako? Hindi ko kaya ang makipagtitigan, dahil nahihiya ako. Mahiyain lang tala-

"Para pooo!" Sigaw nung lalaking katabi nung maliit.

Habang pababa silang dalawa, nauuna yung matangkad tapos nasa likod nya yung maliit. Magkahawak sila ng kamay.

Bumaba sila sa daan papuntang P.U.P, dun yata nag-aaral yung maliit. Nakita ko kasi na uniform ng FEU yung isa eh. Ang sweet naman dahil hinatid pa sya nung boyfriend nya, oy di ako naiingit ah! Oo na!

O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon