Chapter 38 - Fix You

6.8K 340 93
                                    

*Storm Luis's POV*

Akala nya di ko sya kilala...

Pero isang tingin ko lang sa mga mata nya, alam ko na.

Alam ko nang hirap na hirap na sya, dahil sa kagagawan ng hayop na lalaking yun.

Sabagay, di ko naman masisisi si Ivan dahil...

Wala e, ganun talaga.

Sino ba naman kasing lalaki ang hindi pinangarap na magkaroon ng maayos at normal na buhay?

Pero...

T*ngina! Di nya dapat niligawan si Chris kung hindi pa pala sya handa.

Handa sa papasukin nya.

Oo, aaminin ko...

Dumaan din ako dyan.

At yan ang bagay na pinagsisisihan ko.

-FlashBack-

"SL, kelan mo ba balak ipakilala yang girlfriend mo?" umuwi dito si Dad, galing sa ibang bansa.

Ang alam ko, isang buwan lang sya dito dahil masyado syang busy dun.

Masaya sana kaming kumakain ngayon pero...

Yun ang tanong na nagpatigil sa mundo ko.

Girlfriend?

E...

Boyfriend ang meron ako, at mahal na mahal ko sya.

Agad akong napatingin kay Mommy.

Tignan din nya ko.

Alam nya...

Alam nya na may boyfriend ako.

Sya lang ang napapagsabihan ko patungkol dun.

"E dad..." sasabihin ko palang dapat kaso pinutol nya ang sasabihin ko.

"Wag mong sabihin na bakla ka!?...

Di naman ayaw ko sa mga bakla pero pano mo makakalat ang lahi natin kung lalaki din ang gusto mo." nagulat ako sa sinabi ni Daddy.

Parang sa isang iglap lang ay nagunaw ang mundo ko.

Muli akong napatingin kay Mommy, may gusto syang sabihin pero nanatiling tikom ang bibig nya patungkol dun.

"Bilis-bilisan mo ang pagkakaroon ng Girlfriend para magka-apo na kami ng mommy mo...

Ayokong pumunta sa kasal mo na puti ang buhok ko." sabi ni Daddy sabay tawa.

Tumawa din ako, pero alam kong pilit yun.

Gusto ko sanang ipaglaban ang nararamdaman ko kaso...

Natatakot ako sa magiging reaksyon ni Dad.

Pwedeng pwede nya kong isama sa ibang bansa kung nagkataon.

Dun pumasok sa isipan ko ang mga bagay-bagay.

Patungkol sa normal na buhay na sinasabi nila.

Hanggang sa pinuntahan ako ni Mommy sa kwarto ko.

"Mom, pano po si Chris?" tanong ko sa kanya.

Nahihirapan na talaga ko sa pag-iisip kaya mabuti nang matulungan ako ni Mommy.

Alam ni Mommy ang lahat samin ni Chris, minsan pa nga sinabi nito na isang araw balak nyang makilala ang taong mahal ko.

Kaso...

O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon