Chapter 44 - Second Chance

7.1K 309 110
                                    

*Chris Jay's POV*

Nagising ako...

Komportable ang hinihigaan ko, asan ba ko?

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko...

Medyo malabo ang paningin ko, pero nung luminaw ito...

Nakita ko nasa isang kwarto ako.

Iginala ko ang mga mata ko...

Mukhang nasa hospital ako.

Gagalaw sana ako kaso biglang may kumirot sa dibdib ko.

"Urrm!" sabi ko. Parang may mabigat na nakadagan sa dibdib ko. Masakit ito at hindi ako makakilos.

"Cj... Wag ka munang maglikot!" rinig kong sabi sakin...

Agad akong napatingin sakanya.

"Naaaay!" sabi ko.

Lumapit sya sakin at hinawakan ako. Gusto nya sanang yakapin ako kaso masakit ang katawan ko.

"Naaay!" sabi ko. Kasabay ng mga luha ko.

"Ssshhh...

Ayos na ang lahat, anak... Wag ka nang umiyak." pagpapakalma nya sakin.

Hindi ko talaga mapigilan ang umiyak. Lalo na't andito si Nanay.

Pakiramdam ko kasi pag-andito si Nanay may kakampi ako... May masasandalan ako.

Pero masasabi ko kaya kay Nanay na ginahasa ako?

Alam kong hindi ito kakayanin ni Nanay kung sasabihin ko sakanya.

"Sinabi na sakin ni Storm ang lahat...

Buti nalang dumating sya para tulungan ka...

Kaya di ka masyadong nabugbog." kwento sakin ni Nanay.

Nabugbog? Ibigsabihin hindi alam ni Nanay na ginahasa ako?

Pinagtakpan nanaman ako ni Storm.

"Nay..." sabi ko. Naalala ko kasi yung sinabi sakin ni Nanay noon.

Tigilan ko na daw si Storm. Lalo na nung sinaktan nya ko. Alam kasi ni Nanay ang pinagdaanan ko para lang maka-move on.

"Wag kang mag-alala anak...

Alam ko na... Na si SL at si Storm ay iisa.

Natandaan mo nung dumalaw ka sa bahay dati?" sabi sakin ni Nanay.

-FlashBack-

Andito ako sa bahay ngayon, kailangan ko si Nanay... Lalo na sa pagkakataon ngayon.

Pinayagan kasi ako nila Mam Grace na mag-leave muna para puntahan si Nanay.

Sakto dahil walang pasok si Nanay ngayon kaya buong araw kaming magkasama.

Pero sa lahat ng sinabi nya sakin, isa lang ang tumatak.

"Anak, kung di mo na kaya sa mansion... Pwede ka namang umuwi na dito. Ok lang yun." sabi nya.

-End of FlashBack-

Yun pala yun. Kaya pala medyo di ko sya maintindihan nun.

Kaya ako umuwi nun dahil nahihirapan na ko para sa relasyon namin ni Ivan noon. Pero ngayon...

Kailangan ko na talagang tanggapin...

Na wala na talaga kami ni Ivan, niloko nya ko...

Pinaglaruan.

O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon