Chapter 86 - Maturity

1.8K 106 170
                                    

*Chris Jay's POV*

"Oh bat di ka pa naga-asikaso? May pasok ka ngayon ah?" takang tanong sakin ni Nanay Lita.

Nandito ako sa kusina, tumitingin-tingin ng mga ingredients na pwede kong gamitin mamaya.

"Di po muna ako papasok ngayon, birthday po ni Storm...

Gusto ko lang po sana na i-surprise sya mamaya paguwi nya...

Ako nalang din po ang magluluto." nakangiting sagot ko naman kay Nanay Lita.

"Oh sya, sige!

Ikaw ang bahala. Basta pag kailangan mo ng tulong, tawagin mo nalang ako...

Tsaka, tignan mo na din yung mga kulang sa ref na ingredients. Para makabili ka sa grocery." sabi pa nya. Tumango lang ako bilang tugon.

Isa-isa ko namang tinignan ang mga gagamitin ko para sa pagluluto ko mamaya.

May mga kulang nga na ingredients, kailangan ko nga mag grocery mamaya.

Inililista ko sa papel yung mga kulang para madali ko itong hanapin pag mag-grocery na ako.

Nagulat nalang ako nung biglang may umakbay sakin,
"Good Morning, Chris!" malambing na sabi nya sakin.

"Good Morning!" sagot ko naman sakanya. Agad ko ding inalis ang pagkaka-akbay nya sakin.

Humarap ako sakanya. At niyakap ko sya. Yung yakap na simple lang pero alam kong ramdam nya yung pagmamahal ko dun.

"Happy Birthday, Storm!" sabi ko sakanya.

Agad ko naman syang hinalikan pagkatapos yakapin.

"Salamat!

Anong gift mo sakin?" nakangiting tanong nya sakin.

Ayan agad ang sinabi nya, ang sweet-sweet ko na nga e.

"Tanda mo na kayaaa!

Di mo na need ng gift!" asar ko sakanya.

Nagulat nalang ako nung bigla nyang inabot ang pwetan ko at pinisil ito.

"Eto nalang ang ihain mo mamaya, kakainin ko 'to." pang-asar na sabi nya sakin. Agad ko naman kinabig ang braso nya para bitawan ang pwet ko.

"Alam mo, G*go ka!" natatawang sagot ko naman sakanya. Baka kasi makita pa kami ni Nanay Lita. Ang aga-aga, puro kalandian ang pinaggagawa.

"Teka, bat di ka pa naka-uniform?

Di ka ba sasabay sakin ngayon?" tanong nya. Nung napansin nyang nakapambahay pa ako.

"Hindi na muna ako sasabay, maya-maya pa ako papasok." nakangiting sabi ko sakanya.

Balak ko talagang di pumasok ngayon. Para sa birthday ni Storm.

Gusto ko kasi na pag-uwi nya, magce-celebrate nalang kami.

Sayang nga, kasi di nataon sa restday ni Storm ang birthday nya.

Bukas pa kasi sya walang pasok. Di naman pwede na umabsent sya ngayon dahil alam mo na, graduating... Maraming inaasikaso.

At isa pa, magkaiba na ang schedule ng pasok namin ni Storm. Nag start na kasi ang 2nd semester...

And sa pagkakatanda ko, mag 1 year na din pala akong nagwowork dito sa mansion.

Dahil panibagong semester na, magkaiba na ang schedule namin ni Storm.

May araw na restday nya tapos ako may pasok.

O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon