Chapter 34 - Welcome Back Pervert

7.6K 323 59
                                    

*Chris Jay's POV*

Nagluluto na ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko...

Kinakabahan? Masaya? Malungkot? Excited?

May lakad kasi kami ni PJ ngayon...

Hindi lang pala sya, kasama din pala si Storm...

Kung si PJ lang ang kasama ko, masaya... Kaso kasama si Storm e. Kaya medyo naguguluhan ako.

Teka? Bakit naman ako nag-iisip ng kung ano-ano?

Ayos naman kami ni SL ah?... Sana?

Haaay! Pag-tahimik kasi sya...

Mas kinakabahan ako sakanya.

Kung yung dating Storm, pagtahimik... Ibigsabihin may problema sya o kaya naman may iniisip.

Hindi ko lang alam ngayon.

Kaya mas lalo akong kinakabahan sakanya e.

Simula kasi nung insidente sa pool area, wala na...

Wala na lahat!

Naging tahimik sya...

Hindi na nya ko inaasar...

Hindi na sya nanti-trip...

At hindi ko alam ang binabalak nya...

Malay ko ba kung may gagawin sya ulit saking masama?

Wag mo na nga syang isipin, CJ!

Ay! From now on pala... Iiwan ko na si CJ! Dahil ibabalik ko si Chris.

Yun dating CHRIS!

Bolder, Braver, Tougher... Ay movie pala ni Sarah G. yun.

Chris version 2.0?

Baka sa kakaisip ko kay Storm, makagat nun ang dila n-

"Kuyaaaa CeeeJaaay!" biglang sigaw ni PJ.

"Ay, kiki ni Jose!" sigaw ko sa gulat.

Napahawak ako sa dibdib ko. Grabe, nagulat talaga ko. Siguro sobrang lalim ng iniisip ko.

Narinig ko namang tumawa si Nanay Lita.

"May kiki ba si Jose?" tanong nya.

Ay, grabe sya! Kailangan ko pa bang magpaliwanag?

Meron na, dahil babae na si Jose. Gusto ko sanang isagot kaso nilalamon na ko ng hiya.

"Kuya Cj? Ready kana po ba?" tanong sakin ni PJ. Di halata na excited sya.

"Ayay! Captain!" sabi ko. May hand gesture pa yun.

Ganyan lang Chris! Maging masaya ka lang. Mairaraos mo din to. Magkakaayos din kayo ni Ivan.

"Sakto tapos na kong magluto...

Excited ka na ba?" tanong ko sakanya.

"Opooo! Kagabi pa po!

Gusto ko na nga pong umalis na tayo e." sagot nya. Wow! Di halata! Tagal ko nga makaalis sa kwarto nya kagabi e. Daig pa nya ang may tour ngayon.

"Hindi... Ang sabi ko, kung excited ka nang kumain. Hahahaha!" pang-aasar ko. Umiling nalang si PJ at umupo na sa upuan nya.

"Kuya Cj... Puntahan nyo na nga po si Kuya sa taas." pakiusap sakin ni PJ.

Haaay! Si Storm ang iniisip ko kanina pa tapos ako ang pupunta dun? Kung sinuswerte ka nga naman.

Naglakad na ko paakyat sa kwarto nya...

O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon