Chapter 88 - Lying

1.4K 90 153
                                    

*Chris Jay's POV*

Nandito na ko sa tapat ng kwarto ni Storm pagkatapos kong magbihis.

Nagda-dalawang isip ako kung papasok ba ako o hindi.

Bagsak ang balikat ko.

Mabigat ang pakiramdam ko.

Gusto kong ikwento sakanya kung ano ang nangyari...

Pero parang natatakot ako.

Natatakot ako sa magiging reaksyon nya. Alam ko, paga-awayan namin ito pag nalaman nya.

Baka nga....

Baka nga, magalit pa sya sa Daddy nya.

Naisip kong pumasok na sa kwarto ni Storm.

"Oh san ka ba nanggaling?

Kanina pa kita hinahanap. Nakita pa kitang naghuhugas ng mga plato tapos pagtingin ko nawala kana." bungad na sabi ni Storm sakin.

Nakita ko na naka-upo sya sa kama nya habang nanonood ng TV.

Agad akong lumapit sakanya at tinabihan sya sa kama nya.

Di ko mapigilan pero...

Agad ko syang niyakap.

Bakas sa mukha nya ang pagkagulat pero hindi ko inisip yun. Niyakap ko nalang sya nang mahigpit.

Yung parang ayaw ko syang pakawalan.

"May problema ba?" kilala nya na talaga ako.

"Wala naman po." sagot ko sakanya. Kahit alam kong meron naman talaga. Agad akong bumitaw ng yakap sakanya.

"Storm, dito ako matutulog ngayon." nakangiting sabi ko sakanya. Akmang tatayo na sana ako para ayusin ang kama nya nung naramdaman kong hinawakam nya ang kamay ko.

"Ano bang nangyari? San ka ba nagpunta pagkatapos mong maghugas?" tanong nya.

Sasabihin ko na ba?

Huminga ako nang malalim. Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko na sakanya.

May balak naman akong sabihin sakanya, kaso di ko lang alam kung ngayon ko na ba sasabihin.

"Tinawag kasi ako ng Daddy mo...

Pinapunta nya ako sa kwarto nya." sagot ko sakanya.

Nagulat ako sa naging reaksyon nya.

Hinawakan nya ang braso ko para tignan ito.

"Sinaktan ka ba nya?

Anong ginawa nya sayo? May ginawa ba sya sayo?

Sabihin mo sakin." nagaalalang tanong nya.

Agad ko namang hinawakan ang balikat nya para pakalmahin sya. Mukhang nagaalala nga sya sakin.

"Wala naman po...

Wala naman po syang ginawa." simple kong sagot sakanya.

Pero bakas parin sa mukha nya ang pagaalala. Mukhang di pa sya satisfied sa sinagot ko.

"E ano? Bakit iba ang inaasta mo ngayon? Bakit ka nya pinapunta sa kwarto? Anong ginawa nya?" sunod-sunod parin nyang tanong sakin.

"Pinapunta nya ako dun para kausapin...

Alam na pala nya ang tungkol sa relasyon natin." simple kong sagot sakanya.

"O tapos? Ano pang nangyari? Ano pang sinabi nya?

O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon