Chapter 83 - Resentful

1.4K 83 73
                                    

*Chris Jay's POV*

"WHAT THE F*CK!" gulat kong sigaw kay Storm.

Agad ko naman syang hinampas dahil sa nakita ko. Nakita ko nalang na tumatawa sya.

"Andami mo talagang kalokohan!" inis kong sabi sakanya matapos kong makita yung pinakita nya.

Di naman picture ng Daddy nya ang pinakita nya...

Kundi p*rn ang pinanood nya sakin.

"Kita mo yon?

Yun gagawin natin pagkagaling mo." tumatawa nyang sabi sakin.

"Napaka g*go mo talaga!" dagdag ko.

"Bakit ba kasi ang seryoso mo...

Sandali, eto na yung totoong picture ni Daddy." sabi nya sabay kuha ulit sakin ng phone.

Muli akong kinabahan.

Yung kabado kana nga tapos ganyan pa sya sayo.

"Eto si Daddy..." sabay pakita ng phone nya.

At nung tinignan ko...

Kumalma ako.

Hindi ito yung nasa panaginip ko.

Iba ang hitsura ng Daddy ni Storm.

Mas mukhang barako yung Daddy nya kesa dun sa panaginip ko.

Napabuntong hininga nalant ako sa nakita ko.

"Oh? Bakit ba?

Ano bang meron? Bat gustong gusto mo makita ang hitsura ni Daddy?" tanong sakin ni Storm.

Natahimik ako.

Mukhang dapat ko na nga kalimutan yung panaginip ko.

"Nako..

Wag ka mag-alala, magiging Daddy mo din naman sya e." nakangiting sabi sakin ni Storm.

"Gusto ko lang naman makita yung tao na magagalit satin pagnalaman nya ang relasyon natin." natatawang sagot ko sakanya.

Bigla nyang kinuha sakin ang phone nya at ibinalik sa table sa tabi ng kama nya...

At agad nya kong niyakap.

"Chris,

Wag mong isipin yun..

Pagnalaman nya yung ginawa mo nung naaksidente tayo, di na yun magagalit...

Malalaman nya kung gaano mo ko kamahal.. Na mismo ang buhay mo, kaya mong itaya para sakin." malambing na sabi sakin ni Storm.

Niyakap ko din sya.

"Sana nga ganun ang mangyari." sabi ko.

"Kaya ba hindi ka makatulog dahil iniisip mo si Daddy?

Chris, wag mo na isipin yun. Magiging okay lang ang lahat." sabi nya sakin na pinapagaan ng loob ko.

"Ayaw ko lang na mawala ka sakin, Storm...

Mahal na mahal kita." seryoso kong sabi sakanya.

Naramdaman kong unti unting lumalapit ang mukha nya sa mukha ko...

At naramdaman kong nagdikit ang mga labi namin.

Yung halik nya na punong puno ng pagmamahal.

"Mahal na mahal din kita...

O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon