Chapter 28 - Unbelievable

7.9K 330 229
                                    

*Chris Jay's POV*

Bllloooorrrccckkkk!
Pag-suka ko sa lababo.

Nanghina ang tuhod ko, parang may dinudukot sa sikmura ko kahit wala namang laman.

Naka-buka lang ang bibig ko habang nakasubsob ako sa lababo, naka-hawak na ko sa dibdib ko.

Wala naman akong sinusuka pero...

Sobrang hirap talaga.

Hanggang sa napaluha ako, dun ko isinara ang bibig ko.

Huminga ako ng malalim para mabawi ang hininga ko.

Alam kong namumutla na ko ngayon.

Kaya, tumingala ako. Ipinikit ko ang mga mata ko para hindi ako masuka ulit.

"So...

You're pregnant?

And I'm the father?" nagulat nalang ako dahil narinig ko ang boses ng demonyo.

Napadilat ako at napa-harap sa kanya.

Nakita kong natatawa sya na ewan.

"Don't worry...

I'll be the best dad for your child." kinilabutan ako sa sinabi nya. Di ba sya nandidiri sa sinasabi nya?

At mas ikinagulat ko pa dahil...

Naramdaman ko nalang na hinimas nya ang tiyan ko.

"Baby, andito si Daddy!" sabi nya na nagbe-baby talk pa.

Sa pagka-inis ko, kinabig ko yung kamay nya palayo sakin.

Narinig ko nalang na may yabag na lumapit sakin at...

Niyakap ako.

"Kuya Cj! Ok ka lang po ba?" sabi ni Pj.

Sumubsob ang mukha nya sa babang parte ng likod ko.

Ang cute nya talaga.

Humarap ako sa kanya.

"Ok lang ako, Pj...

Di lang sanay yung tyan ko. Pag-masyadong maaga." sagot ko.

"Sorry po!" sabi nya.

Dahil alam nyang kasalanan nya kung bakit ako nasuka.

Sa pag-sorry ni Pj at paglambing nya. Napatingin ako kay SL.

May kung ano sa mata nya na hindi ko maipaliwanag.

Dyan sya magaling... Sa pagtatago ng emosyon sa mata nya.

Sa mata kasi ako tumitingin kung ano ang totoong nilalaman ng isip nila.

Pero sa mata ni SL, may hindi ako maintindihan...

At pag nakikita ko na...

Umiiwas sya ng tingin.

At yun na nga...

Iniwas ni SL ang tingin nya sakin at tumalikod. Tuluyan na syang umalis sa pwesto nya kanina.

Good!

Mas magandang layuan ko sya at layuan nya ko.

Naglakad na kami ni Pj papunta sa dining area...

Kung saan nandito sila Nanay Lita at Mam Grace.

"Ok ka lang ba, Cj?" nag-aalalang tanong ni Mam Grace sakin.

"Ok lang po ako...

Ganito po kasi ako pag-masyado pang maaga para kumain." paliwanag ko. Tumango lang sya, sana naintindihan nya.

O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon