Chapter 87 - Father-In-Law

1.4K 84 74
                                    

*Chris Jay's POV*

Garlic?
Meron na.

Onions?
Meron na din.

Arrgghhh!

Di ako mapakali!

Di kumakalma ang isip ko.

Ang aga-aga, ganito na ang kalagayan ko.

Magluluto lang naman ako ng breakfast namin. Pero bakit ganito?

E lagi ko naman itong ginagawa.

"Cj, ayos ka lang ba?" biglang tanong sakin ni Nanay Lita.

"Ah eh, opo. Okay lang po ako." sagot ko naman. Sabay balik sa hinahanda kong mga sangkap.

Agad kong kinuha ang broccoli at ang kutsilyo para hiwain na.

Pero nanginginig ang kamay ko.

Alam ko, natataranta ako. Nagpapanic ako.

Gusto ko kasing masarapan sa luto ko ang Daddy ni Storm. Pinagmalaki kasi kagabi ni Tita Grace na masarap daw ako magluto. Syempre mageexpect na ang daddy ni Storm nun.

Nagpapanic tuloy ako!

Di ko alam ang gagawin ko.

Parang nagwawala ang isip ko, di ako makapagfocus. Alam ko, di maganda to.

Dapat pagnagluluto ako, kalma lang. Pero di ko maiwasang magpanic. Gusto ko kasing perfect ang pagkakaluto ko para matuwa sakin ang daddy ni Storm.

"Haaaay!" pagbuntong hininga ko.

Kaya ko 'to. Kailangang ikalma ko lang ang sarili ko. Kaso paano?

"Cj, kumalma ka lang. Alam ko na nagaalala ka ngayon dahil ipagluluto mo si Luis.

Mabait naman yun, kaya kalma ka lang." pagpapakalma sakin ni Nanay Lita. Pansin na pansin nga nya ang pagpapanic ko.

Kanina ko pa hawak ang kutsilyo pero di ko pa magawang hiwain yung broccoli na hawak ko.

"Sakto, gising kana pala...

Pakalmahin mo yang si Cj, aligaga sya ngayon. Baka masugatan pa yan habang naghihiwa." rinig ko pang sabi ni Nanay Lita, bago ko maramdamang may pumulupot na braso sa bewang ko kasabay ng paghalik nya sa pisngi ko.

"Good Morning po!" malambing na sabi nya sakin.

Agad naman akong napatingin sakanya.

"Maayos na ba pakiramdam mo?" tanong ko agad kay Storm.

"Opo, magaan na po ang pakiramdam ko...

Magaling po yung nurse na nag-alaga sakin kagabi, ang galing din po nya sa kama." sagot naman sakin ni Storm. Agad naman akong napatingin sa pwesto ni Nanay Lita.

Haaays! Buti nalang umalis na pala sya. Baka narinig nya yung pinagsasabi nito.

"Pinagsasabi mo dyan! Baka marinig ka ni Nanay Lita." pagpapatahimik ko sakanya.

Agad naman syang napalingon sa dinning area para tingnan kung nandun si Nanay Lita.

Tapos nung nakita nya na wala, ngumiti sya sakin.

"Tignan mo 'to!

Nahihiya ka na malaman ni Nanay Lita...

E pinagsamantalahan mo nga ako kagabi. Sinamantala mo na masama ang pakiramdam ko." pagda-drama nya para mainis ako sakanya.

O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon