"FINALE, PRAMIS"

1.7K 48 0
                                    


"OKAY' CUT! Nice scene guys, yan na ang huling tape natin. Good job and good luck. For sure blockbuster to." Sabi ni direk Wenn kay Karylle at Vice saka sila nag-ayos na ng mga gamit.

"Sige direk, for sure talaga. Sulit ang hirap haha, ikaw ba naman eh gawin mong movie 'tong buong buhay ko? Akala ko ba MMK lang ang gumagawa 'nun?" Natatawang sinabi ni Vice.

Ginawan kasi ni Direk ng bagong project ang mag-asawang Vice at Karylle kung saan buhay o mga pinag-daanan nila ang magiging istorya. Pumayag naman sina Vice dahil wala namang mawawala kung gagawing pelikula ang kanilang istorya dahil maganda rin naman ito.

"Saya mag-taping noh, ma? Akalain mo yun nakumbinsi ako ni Direk na gumanap kahit ayoko na mag-artista." Sambit ni Vice habang palakad sila ni Karylle papunta sa kanjlang sasakyan. Dala dala ni Vice ang mga gamit ni Karylle at ang isa niyang kamay ay naka-akbay dito habang payapa silang naglalakad.

Nang makauwi, sinalubong kaagad sila ng kambal. Oo, sampung taon na nga ito gaya ng naging ending ng pelikula nila dahil inakto ito sa sitwasyon nila ngayon sa kasalukuyan. Totoong buntis si Kylie, at si Harry ang asawa nito.

"Dad, nammy, good evening." Bati ni Peter na 18 years old na at lalakeng lalake, (an: james reid nga. eeeh) na nakipag beso kina Vice at Karylle. "And by the way, ate's upstairs. Sa dating kwarto niya, nagpapalit. Bumisita eh nabo-bored daw sa bahay nila." Sabi ni Peter at pinapasok na sila Vice.

"O, edi maigi. Hindi niya kasama si Harry?" Tanong ni K at inilapag na ni Vice ang bag nito sa sofa.

"Syempre kasama po, baka sinapak ko na 'yun kung hinayaang magdrive mag-isa si Ate. Grabe, nammy. Ang laki na ng baby bump ni ate. Parang kahapon lang ako yung binubuhat niya eh." Sabi ni Peter at sinimulang masahiin si Karylle sa noo gaya ng lagi niyang ginagawa sa tuwing uuwi ito.

"Haha, ganyan talaga, nak. Kahit nga ikaw oh. Ang bilis ng panahon eighteen ka na agad. Binata na, bukas may girlfriend na." Sabi ni K habang nakapikit dahil nasasarapan sa masahe ni Peter.

"Nammy naman, may girlfriend na nga ako. Paulit ulit naman eh."

"Sino?" Inosenteng tanong ni Karylle.

"Ikaw!" Nakangiting sinabi ni Peter at niyakap sa leeg si Karylle. "Pero sa totoo nammy, may gusto na ko. Kathryn nga yung pangalan e--"

"Nakunakunaku! Lagot ka kay Kuya DJ m--"

"Hindi yun dad! Grabe, kasing idaran na yun ni ate. Siya lang ba ang Kathryn sa mundo? Bakit ang K, maraming K sa mundo! Dalawa nga nadale mo dad eh!" Biro ni Peter na patukoy sa past relationship ni Vice kay Kaye noong panahong nasa US pa sila at 5 years old pa si Peter.

"Naku naku, tantanan mo nga ako Peter Jeremiah. Ayan ka nanaman eh. Layas ka nga'" pagpapalayas ni Vice habang umiinom ng kape.

"Ayaw magpuyat, pero gusto ng kape! Nagpapapayat sa umaga lamon tulog sa gabi. Galing mo rin, dad eh! HAHAHA!" Natawa rin si Karylle sa kakulitan ng anak.

.
.
.
.
.
.

"Good afternoon MamaRuption!" Bati ni Vice at nakipag-chest bump kay Eruption pero agad ding hinawakan ang dibdib niya. "Hanep ka ang sakit!" Natatawang sinabi nito dahil sadyang masakit ang pagkaka-bump nilang dalawa sa laki ba naman ng dibdib ni Eruption.

"Haha, sorry Vice." Paumanhin nito.

"Nga pala, welcome back ha." Bati ni Vice at ngumiti.

"Salamat, teka ba't napadaan ka dito sa ABS?" Tanong ni Eruption kaya nagtaka si Vice.

"Ay malamang susunduin ang asawa ko." Sagot ni Vice na may tono ng pamimilosopo. Napasapo naman si Eric at tumawa.

Nang Dahil sa Wattpad|| VicerylleWhere stories live. Discover now