⭐️Chapter22: TR⭐️

1.2K 26 1
                                    

"Will I go?"
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

VICE'S POV

Mangangalahating oras na akong naghihintay dito. Dadating pa ba yang Terrence na 'yan?

Yah, right. Tumupad ako sa usapan niya, makikipag-kita ako sa EX-boyfriend kong si Terrence Romeo. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at tumuloy ako. Siguro gusto ko lang siyang patahimikin? Sana naman magawa ko. Sana hindi ako bumigay at hindi na uli tumibok ang puso ko para sa kanya noh. Ayoko na.

Andito ako sa isang restaurant, dito ko sinabi kay TR na magkita kami para hindi masyadong matao.

"Ay!MAHAL.NA.MAHAL.KO.SI.KARYLLE!" Napatayo ako bigla sa kinauupuan ko nang may humalik sa pisngi ko. Aba bastos to ah. "Terrence?" Terrence? Terrence? Terrence? Ter- ano ba Vice!

"Na-surprise ka ba, baby girl? Pero sana pangalan ko nalang ang nabanggit mo. Ha-ha, mahal na mahal mo talaga yang Karylle noh?" Sinabi niya at nagpeke ng ngiti.

"Pwede ba wag kang basta basta manghahalik. Mamaya may makakita satin, paghinalaan pa akong nanloloko kay Karylle." Inirapan ko siya bago siya maupo sa kabilang chair.

"... Okay. P-pero hindi ba ibig sabihin nito na binabalikan mo na ako? Kasi nakipagkita ka sakin ?"

"Hindi. Nandito ako para sabihan ka kung pwede bang layuan mo na ako. Tigilan mo na ako kasi HINDI NA KITA MAHAL." Sinasabi ko lang ang totoo.

"Please, baby girl. Gagawin ko ang lahat, lahat. Patawarin mo na ako sige na naman o." Pagmamakaawa niya.

"LAHAT?" I emphasized. Tumango lang siya, seryoso ba siya? "Makukuha mo lang uli ang puso ko, ang pagmamahal ko, ang lahat ng sakin, kung masisiguro mong gusto ka ng anak ko, at masisiguro kong, gusto mo ang anak ko. Ayoko nang may nagmamahal nga sakin pero walang paki sa mga mahal ko. Sana naiintindihan mo."

"So, ang ibig mong sabihin. Kailangan ko pang ligawan o makuha ang loob ng anak mo?" Tanong niya.

"Exactly." I murmured.

"T-tapos pag nagawa ko 'yun. I-iiwan mo na si Karylle?" Tanong niya uli... A-ano nga ba?

"O-oo.." Ano ba 'to?!!!? "Teka hindi! Hindi, hindi ko al..."

"V-Vice?" Bigla akong napalingon, wait what?!

"Ka-Karylle? A-anong ginagawa mo dito?" Napatayo ako bigla saka nakita ko yung iba niyang kasama, sina Iza at Isabelle. Kitang kita ko yung namumuong luha sa mga mata niya. "Karylle, mali ang iniisip mo," sabi ko at humarap kay Terrence.

"K, wala kaming ginagawang masama. Bakit ka nga pala nandito? May bondate ba kayo ng mga friends m..." Hindi na ako nakatapos, sinampal niya na ako agad. Bakit ba napakamalas kong bakla?

"Hoy ano ba, wag mong saktan ang baby girl ko!" Hinarangan ako ni Terrence, halos pagtinginan na kami lahat ng kumakain dito.

"Yan! Sabi ko na nga ba eh, bakla ka parin Vice. May pa-trust trust ka pang nalalaman ikaw rin pala! Naniwala ako Vice, NANIWALA AKO SAYO NA TOTOO KA. Hayup ka rin pala! Manloloko ka! Magsama kayo ng baby boy mo! Tandaan mo Vice, ngayon. WALA NANG SALITANG TAYO. We're off." H-hindi Karylle..

"KARYLLE!!" Sigaw ko nang lumayo na siya. "ANG TANGA TANGA KO UMALIS KA DIYAN!" Sigaw kong muli at itinulak si Terrence paalis.

"Teka nga Vice, kita mong sinaktan ka na niya! Hindi ka na niya mahal! Hindi siya basta bastang susuko kung talagang mahal ka niya. Wag kang tanga! Nandito ako para sayo pero hindi mo naman ako nakikita!"
.
.
.
.
.
.
.
.

Nang Dahil sa Wattpad|| VicerylleWhere stories live. Discover now