⭐Chapter26: Follow My Dream⭐️

1.2K 30 0
                                    

"Yellow Cab pala ha..."
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Lo, alis muna ako. Rarampa lang, char. May pupuntahan lang ako Lo! Kapag nauna ho si Karylle sakin pakisabi babalik rin agad ako. May iniwan hong pagkain si Karylle dyan sa fridge, lo. Saka hindi ho sa Channel 7 mapapanuod ang paborito niyong 'Barney' ha. I-lock niyo nalang 'tong pinto para safe kayo dito. Sige lo.." Bilin ni Vice sa lolo ni Karylle na nakatuon ang pansin sa tv.

"Ano uli 'yon, iho?" Tanong ng matanda.

"Jeske, ang haba nun ah... De, alis lang ako lo. Babalik ako agad pakisabi kay K kung mauna man ho siyang bumalik. Vavooh!" Lumabas na ng bahay si Vice ng naka-white shirt lang at yung nilabhan niyang pants niya na pinatuyo niya gamit ang blower ni Karylle.

Plano niyang sundan si Karylle na kasama at makikipag dinner ngayon kay Christian. May kutob kasi siyang may feelings rin si Christian para sa nobya niya kaya iba nalang ang kinutob nito. Babantayan lang naman niya si Karylle sa may restaurant at hindi magpapahalatang nandun siya.

Naka cap at aviator shades si Vice kaya hindi siya masyadong makikita sa mukha. Sakto namang may napadaan jeep kaya hindi na siya naglakad pa. Hindi naman siya nakilala ng mga taong nakasakay don kaya nakahinga na siya ng maluwag.

Nang makarating si Vice sa Yellow cab kung saan magdidinner ang dalawa, nakita niya agad ang kumikintab na plaka ng sasakyan ni Christian kahit madilim na dahil sa gabi.

Pumasok na siya at napilitang umorder kahit busog naman siya wag lang mahalata ng mga tao at ni Karylle at Christian.

Mula sa table niya ngayon, kitang kita niya ang pwesto nina K. Mga 3 tables apart sa kanan niya na may kanya kanyang kumakain. Pinagmamasdan niya talaga ang bawat kilos ni Christian habang si K naman ay nakikita niya lang na napapatawa tawa.

"Sir, ito na po ang order niyo." Singit ng waiter na may dalang tray. Tumango na lamang si Vice at ibinaba na ng binata ang family sized pizza na inorder niya. Hindi naman kasi halatang gutom siya.

Patuloy siya sa pagkain ng pizza at paghigop ng iced tea niya. Nakasilip lang siya sa kanan ng palihim at nagmamasid sa dalawa.

"Pssst! Holdap 'to! Pssst! Holdap 'to!" Lahat ng tao ay nagtinginan kay Vice pero hindi siya nakilala. Maging siya ay nanlaki ang mata sa narinig.

Napa-peace sign nalang siya sa mga tao at ibinaba lalo ang cap para di makita ang mukha niya. Agad niyang kinuha ang phone niya dahil may tumatawag nanaman sa kanya.

"Tsk, di ko pa pala napapaltan ang ringtone ko." Bulong niya at inunlock ang phone niya.

"Hello?" Sabi niya in a manly voice dahil baka mahalata siya ng mga tao.

"Hey pops!" Salubong ni Kylie na kausap niya sa phone. "You busy?"

"Sana, kung hindi ka dumaot. Joke lang, what's with the call my princess?" Tanong ni Vice.

"Just to inform you dad that I already got my report card," -Kylie.

"Oh, good. Sorry I forgot ngayong week pala 'yun. So sino ang kumuha?" - Vice.

"Tito Buern, pops... "

"So, kamusta ang grades mo aber?"- Vice.

"Dad, ang mahalaga. Buhay pa ako, kumpleto tayo. Di'ba?.." Palusot ng bata.

"Hoy neneng! Wag mo kong ma-ganyan ganyan! Grades mo ang tinatanong ko." Sabat ni bakla.

"Hahaha! Just kidding po, all 90 and above mamier.." Sagot nito with a wide smile as if na makikita siya ni Vice.

Nang Dahil sa Wattpad|| VicerylleWhere stories live. Discover now