⭐️Chapter9:PremierNight⭐️

2K 43 2
                                    

"K, kailan ba free ang mama mo?" Biglaang tanong ni Vice habang nakain sila sa lounge ng ABS CBN ngayon dahil commercial break pa ng showtime kaya nagkaroon sila ng time para kumain ng tanghalian. As usual, jolly spaghetti ang kinakain nila dahil sponsor nga nila ang Jolibee. Sakto naman at nagdala nanaman ng hopia si Vice na galing kay Buern. Si K naman ay may dalang lumpia at suka na may bawang na may toyo na may kalamansi kaya kakain nanaman siya ng fertilizer. Si Anne ay may bitbit na pancit na may gata na niluto ni Erwan sa kanya at shinare niya narin sa mga co-host niya. Si Vhong naman ay may dalang sitaw. Trip niya lang at ginawang adobong sitaw. Habang si Billy ay may dalang buko na binili pa nila ni Coleen.

"Ano ba 'to Vhong! Ang saklap ng sitaw mo. Nagka-crisis sa toyo kaya mantika ang ginamit mo?" Reklamo ni Vice at niluwa ang adobong sitaw na kinakain niya. Natawa naman si Vhong sa sinabi ng kaibigan. Ayan naman si K at pinunasan ang labi ng boyfriend.

"Gagu ka talaga, nung isang araw pa kasi 'yan. Ayaw ni Skylar kaya sainyo ko binigay!" Natatawang sambit ni Vhong at napailing na halos paluin na si Billy sa katatawa.

"Sira ulo ka, Ferdinand! Papatayin mo ba kami?" Sumbat ni Billy at binatukan si Vhong. Hindi parin ito makapag-salita dahil sa katatawa. For sure, banyo nanaman ang diretso ng mga ka-co host niya mamaya dahil sa kinaing adobong sitaw ni Vhong.

"Kaya pala hindi ka kumakain ng dala mo eh. Loko loko kang hinayupa ka." Natatawang sinabi ni Teddy at hinagis ang maliit na share-a-coke bottle kay Vhong na wala ng laman. Ganyan talaga sila magkulitan halos magpatayan na sa kahahagis ng kung ano anong bagay na mahawakan.

Nakikitawa nalang ang girls, not including Vice. He's confused. Si K ay nananatiling naka-upo sa tabi ni Vice at tinatago nalang ang mukha niya sa balikat ni Vice sa tuwing natatawa sa kalokohan ng mga kasama.

"Oy babe, mag-tooth brush ka. Pagti-tiyagaan ko nanaman 'yang bibig mong amoy fertilizer dahil diyan sa kinain mo." Sermon ni Vice sa kasintahan dahil laging nangangamoy ang bunganga nito sa tuwing kakain siya ng lumpia na may kakaibang amoy na sawsawan na 'yon.

"Eee, ikaw lang naman nag-sasabing mabaho eh!" Sabi ni K na parang bata at nag-pout.

"Wag kang pa-pout pout 'dyan. Baka sungabad ko tong labi ko sa labi mo." Kinikilig na biro ni Vice at kumindat. Kinilig naman si K saka bahagyang tinulak ang braso ni Vice.

"Nah-ah.. Susumbong kita kay mama! Hindi ka pa nga nag-papaalam eeh." Nagbe-baby talk nanaman si Karylle which made her cuter and more adorable. Inakbayan naman siya ni Vice at inamoy ang buhok ng dalaga.

"Ikaw talaga, so pag nagpaalam na ako sa mama mo, pwede na?" Wittyng sinabi ni Vice at pataas baba pa ng kilay at mga ngiti ay pabounce bounce rin.

"Gosh, babe. One week palang tayo, we're not yet telling it to mama. Kailan mo ba plano?" Tanong ni K at napakuha nanaman ng lumpia at sinubo ito at hindi na nag-atubiling sumawsaw dahil baka mabahuan nanaman si Vice.

"Kung kailan hindi busy ang mama mo. Kahit mamaya ano keri?"

"I guess so," she shrugged and hugged his arms where she's comfortable with.

"Sana nga mamaya, tapos kay Dr. M na..."

"Boooo!"

"Putaena ka Vhong!!!' Sigaw ni Vice dahil pinahin nanaman ni Vhong ang sabaw ng adobong sitaw sa labi ni Vice kaya nalasahan nanaman niya ang mapaklang lasa nito na kinaiinisan ni bakla. Bwisit na bwisit si Vice kaya maging si Karylle ay natawa nalang sa reaksyon ng kasintahan niya.

"Taste good? HAHAHA!" Pangangasar ni Vhong kasama narin sina Billy, Teddy at Anne. Naki-asar narin si Anne dahil gustong gusto niya pag-nadadaot sa moment nila ni K kasi umiiba ang mood ni Vice which is ikinatutuwa nila.

Nang Dahil sa Wattpad|| VicerylleWhere stories live. Discover now